^

PSN Opinyon

‘Pagdurusang tahimik’ (Sexual harassment)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING mga empleyadong nagtatrabaho sa mga pribado at gobyernong tanggapan ang nagdurusang tahimik sa pananamantala ng kanilang mga lider, namumuno, amo o “bossing.”

Subalit, dahil sa kasalatan at tindi ng pangangaila-ngan sa trabaho, pinipili nalang nilang tumahimik at hindi magsalita. Napipilitang pumasok at magtrabaho sa kabila ng literal na pambabastos o sexual harassment ng kanilang mga itinuturing na boss.

Sila ‘yung mga namumuno sa mga tanggapan o departamento na may maitim na balakin gamit ang kanilang kapangyarihan at katungkulan o titulo para maka-iskor. Karaniwang nagsisimula ito sa mga simpleng katuwaan o ‘di naman kaya sa mga simpleng parinig ng “green jokes” o mga “may laman” na biro. Na kapag narinig ng isang empleyado lalo na kung babae, hindi magiging komportable.

Intensyon ng mga kumag na bossing na ito na subukan ang kanilang tauhan kung kakagat ba, makikiayon o makikisakay sa kanilang mga banat. Kunwari’y mang-aakbay pero mayroong motibong manantsing o manghipo sa mga maseselang bahagi ng katawan. Pasimpleng aamuyin ang buhok, makikipag-holding hands o ‘di naman kaya magtatanong ng posisyon.

Hindi malinaw sa kanilang pilyong tanong kung posisyon ba sa opisina o sa kama ang kanilang tinutukoy. Basta ang sa kanila, kinakapa o pinapakiramdaman nila kung ano ang magiging reaksyon ng kanilang empleyado. Ito ang mga klaseng salita na nagpapakita ng motibo ang isang amo. Ito ang reyalidad at hubo’t hubad na katotohanan na nangyayari sa mga tanggapan, mapa-pribado man o gobyerno. 

Maraming kaming mga natatanggap na reklamo sa BITAG, BITAG Live at T3 ng mga nagdurusang empleyado. Sinusumbong ang kanilang mga kupal, manyakis at makakapal ang mukha na mga amo.

 Ang isang lider o boss, mayroong moral authority sa kaniyang mga pinamumunuan, nasasakupan o pinangangasiwaan. Kahit na ikaw pa ang sinasabing pinakamataas ang posisyon, hindi mo pwedeng itrato na parang nabili mo na ang mga nasa ilalim mo o subordinates mo.

 Nitong nakaraang linggo lang, isang “gwaping” na batang lalaking ang nagsumbong sa T3. Kita kung papaanong umiiwas na umiiyak ang bata dahil sa panggigipit ng kaniyang manyakis na lalaking amo.

Kaya sa mga tahimik na nagdurusa sa mga tanggapan, bukas ang aking programa sa radyo at telebisyon para sa inyong mga sumbong. Hahambalusin at babalatan namin ng buhay ang mga kumag, kenkoy at kolokoy na mga amo ninyong mapagsamantala sa loob ng inyong mga tanggapan. 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

 

ABANGAN

HAHAMBALUSIN

INTENSYON

KAHIT

KANILANG

KARANIWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with