‘De-kahon’
NAGSULPUTANG parang mga kabute ang matataas na gusali sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Kaliwa’t kanan, agaw-pansin ang mga nagtataasang ipinapagawang condominium building. Hindi pa dito kasama ang mga nakatirik at matagal ng mga okupado.
Mistulang mga maliliit na “kahon†na pilit pinagsisiksikan at tinitirhan ng mga residente.
Karamihan sa mga gusaling ito, isang dura lang ang layo sa mga kalsada at pangunahing lansangan. Tanaw ng bawat taong dumadaan.
Marami sa mga Pinoy, napagkakamaliang ito ang totoong salamin ng pag-unlad at pagganda ng ekonomiya.
Ang totoo, nanganganib ang ekonomiya ng bansa kapag mas marami na ang mga itinatayong “kahon-kahon†na mga gusali kumpara sa bilang ng mga bibili. Nangyari na ito sa mga mauunlad na bansa. Isa rito ang Amerika.
Kamakailan, sinabi ng ekonomistang si Victor Abola na malaki ang posibilidad na magkaroon ng asset bubble sa sektor ng real estate kung magtutuloy-tuloy pa ang mga konstruksyon nito hanggang sa kalagitnaan ng taon.
Tatlong uri ang mga istruktura, high-end, middle-end at low-end. Ang presyo nakadepende sa konstruksyon, sukat, yari at lokasyon. Kung usapang praktikal, mas mabenta ang low-end sa publiko. Ito naman ang pinagtutuunan ng pansin at inaalok ngayon ng maraming real estate company at developer.
Dahil mura, marami ang mga nag-i-invest o bumibili. Pero, hindi para tirahan kundi para parentahan at pagkakitaan. Ang nangyayari naman, palibhasa renter o mga nangungupahan lang ang mga tumutuloy sa “condo,†wala silang pakialam kesa hodang marumihan, maging marungis at puwing na sa mata ang kanilang “kahon.â€
Hanggang sa hindi na nila namamalayan, nagmumukha na itong nakatayong malaking “basura.†Marumi na ang Maynila. Minsan na itong naging sentro ng katatawanan at panlalait matapos mapanood sa isang international film o palabas.
Sa patuloy na paninirahan ng mga walang modo at walang pakialam sa kanilang kapaligiran, pagkalipas ng ilang mga taon, lalo pa itong magmumukhang “basura.â€
Masakit mang gamitin at maaring insulto sa ilan ang terminolohiyang “iskwater,†pero kung magtutuloy-tuloy ang ganitong kalagayan, magiging ganito ang deskripsyon ng sentro ng bansa.
- Latest