Million march kontra ‘pork’
ENOUGH is enough! Iyan ang sigaw ng mga mamamayang Pilipino ngayon para matuldukan na ang talamak na katiwalian sa ating pamahalaan. Magtitipon ngayon sa Luneta ang humigit-kumulang sa isang milyong Pilipino na kumokondena sa katiwaliang dulot ng pork barrel.
Nakiisa ang mga Christian groups tulad ng Philippines for Jesus Movement, Philippine Council of Evangelical Churches,
Intercessors for the Philippines, Movement for National Transformation sa iba pang mga kababayan natin sa pa-nawagang lansagin na ang pork barrel at huwag lang pali-tan ng pangalan.
Sa pahayag ng mga naturang Christian groups, sinabi nila na “Corruption is a moral evil that has affected deeply many elements of our national life. It is a cause of deep shame because of the depth and the extent that political — both legislative and administrative, economic and judicial segments of government have been affectedâ€.
Kailangang dinggin ng administrasyong Aquino ang pa-nawagan ng lahat ng Pilipino na buwagin na ang sistemang ito na lumulustay sa pera ng mamamayan na hantarang dinurugas ng mga tiwaling tao sa loob at labas ng pamahalaan. Nakaririmarim na mayroon pang mga “relihiyoso†nakasangkot sa anomalyang ito!
Nauunawaan natin ang pahayag ni Presidente Aquino na kailangan pa rin ng mga mambabatas ang pork barrel para sa mga mahihirap sa kanilang distrito. Ayos sana iyan kung talagang napupunta sa mararalita ang pondo pero hindi. Kaya dapat nang lansagin ang sistema at ipaubaya na lang sa mga existing agencies tulad ng mga local government units ang pamamahagi ng pondo na sasailalim sa masusing auditing at pagkilatis sa mga programang dapat pondohan.
Panahon na upang matakot sa Diyos ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na nagpapasasa sa kayamanan ng bayan habang milyon-milyong kababayan natin ang naÂmamatay sa gutom araw-araw.
Hindi na biro ang pagsasama-sama ng iba’t ibang sektor para kondenahin ang bulok na sistema sa pamahalaan. Isa lang ang pork barrel at marami pang dapat baguhin at nangunguna na riyan ang budhi ng mga opisÂyal natin na pinagkatiwalaang magtimon sa ating bansa tungo sa pag-unlad.
- Latest