AIDS: Anong klaseng sex ang delikado?
ANG HIV virus ang nagdudulot ng HIV-AIDS. Kapag ang isang tao ay tinamaan ng HIV virus, magkakaroon siya ng HIV infection. Sa umpisa, puwedeng wala pa siyang mararamdaman. Ngunit pagkalipas ng ilang taon, posibleng sirain ng HIV virus ang kanyang katawan (immune system) at hahantong ito sa sakit na AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome.
Ang HIV virus ay natatagpuan lamang sa dugo, semilya, vaginal fluid at breastmilk ng isang pasyenteng positibo sa HIV virus. Dahil dito, HINDI nakahahawa ang (1) paghalik sa pisngi, (2) pagkamay, (3) pagsama sa isang kuwarto, at (4) pagsalo sa hapag kainan.
Para malaman kung mataas ang peligro ng iba’t ibang klase ng pagtatalik, tingnan ang nasa listahan. Simpleng paliwanag lang: Kapag ang numero sa kanang bahagi ay mas mataas, ang ibig sabihin ay mas malaki ang tsansa na makakuha ng HIV virus.
Halimbawa, ang panganganak ay nagbibigay ng 25% tsanÂsa na mahahawa ang sanggol. Ang anal sex ay mas delikado (dahil sa pagkapunit ng balat) kumpara sa normal sex. Sino ang dapat magpa-test sa HIV?
Kapag ika’y nakipag-sex sa isang tao na nagkaroon na ng ibang partner, puwede ka nang magpa-HIV test. Kapag may history ka ng sexually-transmitted disease (STD), guÂmagamit ng droga o nasalinan ng dugo mula sa isang kahi-na-hinalang source, kailangan kang magpa-test sa HIV.
Ayon sa mga eksperto, magpa-test sa HIV virus maÂkalipas ng 6 na linggo at 3 buwan pagkatapos ma-expose sa isang tao na posibleng may HIV virus. Dumalaw sa pinakamalapit na HIV testing center tulad ng Social Hygiene Clinic at mga ospital. Magpa-check sa HIV para ma agapan ang posibleng sakit. Mag-ingat po!
- Latest