‘Smuggler’
IISA ang katauhan at katangian ng mga smuggler. Mga walang konsensiya at walang prinsipyo, mga putok sa buhong masasahol pa sa mga anak ng askal o asong kalye.
Wala silang pakialam sa kapakanan ng publiko. Kahit malagay sa panganib ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan sa mga produktong kanilang ipinupuslit sa bansa.
Ayaw ng mga smuggler malaman ng publiko ang kanilang pagkakakilanlan. At kung may dapat makaalam ay ‘yung kanilang mga galamay at ka-bagang sa Bureau of Customs (BOC).
Hindi nilalahat ng BITAG ang mga nasa BOC. Hindi kasi magtatagumpay ang pagpapapuslit ng mga smuggler sa bansang pinapasukan ng mga produkto nito, kung wala silang mga kasabwat sa kanilang iligal na gawain.
Kalimitan sa mga produktong ipinupuslit ng mga smuggler ay mga murang produktong “reject†o mga basura. O ‘di naman kaya may mga problema ang kalidad at hindi pumasa sa quality assurance ng bansang pinanggagalingan.
Ang mga smuggler ay naghahanap din ng kanilang mga kasapakat na dorobo upang maisagawa ang kanilang mga iligal na gawain.
Wala kasing mga lehitimong may-ari ng mga pabrikang gumagawa ng mga de kalidad na produktong bagsak presyo na ipinapasa sa mga smuggler, maibenta lang.
Sa Pilipinas tuloy-tuloy ang maliligayang araw ng mga smuggler. Kabisado nila ang utak ng mga Pinoy. “Basta’t mura, hala bira! Bili rito, bili roon ng mga basurang itinatambak sa ating bansa.â€
Eto ang dapat banta- yan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga imported na produktong katas ng smuggling.
Pinag-iingat ng BITAG ang publiko sa salitang “Para sa kapakanan ng mga mamimiling Pinoy.†oo nga, mura pero nakasisiguro ka ba na hindi yan basura?
Nakakatiyak ka ba sa mga produktong mura mula sa smuggling na hindi nalalagay sa panganib ang iyong kalusugan at kaligtasan?
Sige! Ituloy nyo lang suportahan at payamanin ‘yang mga anak ng mga asong askal na smuggler na ‘yan!
- Latest