“Hindi itataas ang puting bandila” (Huling Bahagi)
Tanging patay na isda ang sumasabay sa agos, ngunit para sa isang karpa simbolo sila ng katatagang sumalungat nang pasulong sa lakas ng alon hanggang makarating sa kanilang patutunguhan.
Naging mahabang pakikibaka sa puwersa ng tinakda ng batas ang naranasan ni (Ret.) Master Sargeant Charmie Palencia ng Camarines Sur.
Dalawang dekada at apat na taon (24) niyang inilalaban ang kanyang karapatan para sa mga suweldo na hindi naibigay (backwages). Bunga ito ng pagkakatanggal niya sa Armed Forces of the Philippines o AFP sa sangay ng Philippine Army nung Pebrero 23, 1988 dahil sa paglabag sa Art. of War No. 62 o “AWOLâ€(Absence Without Official Leave).
Inapila niya sa mga kinauukulan ang kanyang pagkakatangggal sa dibisyon ng AFP General Headquarter Office of the J1 (Personnel), sa Dept. of National Defense, sa Office of the Presidential Consultant on Military Affairs(OPCMA) hanggang sa tanggapan ng tatlong presidenteng nang nagdaang panahon.
Anong nahita niya? Wala…sa huli walang pumabor sa kanyang hiling dahil nanatiling nakatindig ang pinal na desisyon ng AFP General Headquarters Office of the J1 (J1), na “denied with finalityâ€.
Pinanghahawakan ni Palencia ang legal na opinyon ng JAGO (Judge Advocate General Office) na nakabatay sa desisyon ng pagkakabalik sa serbisyo (“reinstatementâ€).
Ayon sa JAGO, may pagkakamali sa proseso ng kanyang pagkakatanggal.
Katwiran ng J1, bilang konsiderasyon lamang kung bakit siya nabalik. At bunga ng dalawa pang naunang paglabag (“recidivist†o paulit-ulit nang paglabag) sa alituntunin ng AWOL, hindi angkop sa nangyari kay Palencia ang tinutukoy ng JAGO na argumento.
Sa pagtingin ni Palencia, bingi ang buong institusyon ng AFP sa maliit na hinaing ng isang sundalong tulad niyang namuhunan ng lakas at buhay para makapaglingkod sa bayan.
Sigaw ni Palecia, “Barya lang mula sa pondo ng AFP ang hiling niyang mabayaran ang mga taong nawala,â€.
“Parang uod ang usad†ayon sa kanya, ang mga dapat na takbong parang kabayo na institusyon sa mga katulad niya.
Dala ng ganitong saloobin kaya’t dinala na niya sa mga kalye at mata ng publiko ang kanyang ipininaglalaban.
Enero 31, 1994 nagsimulang ipakita niya sa publiko ang laban nung siya ay magsagawa-“hunger strike†sa harap ng Camp Aguinaldo. Hawak ang placards na sumisigaw para sa kanyang hinaing.
Labing limang minuto matapos mailabas ang kanyang protesta, dumating ang mga pulis upang siya’y damputin dahil sa kawalan ng permit.
Sa desperasyon, huling alas na nakita ni Palencia ang lumapit sa media. Isang opisyal ang nagpayong sumangguni siya sa People’s Tonight.
Hunyo 1997 nung malathala ko sa aking pitak sa People’s Tonight ang ‘Calvento Files’ ang tungkol sa kanyang kaso.
Hanggang sa kasalukuyan, ito pa rin ang sinisigaw ni Palencia. Nais niyang halungkatin at muling balikan ang kanyang kaso para makamit ang kanyang matagal nang inilalabang karapatan para sa “backwagesâ€.
Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang kuwentong ito ni Palencia.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, nakasaad sa Military Code na matatanggal sa serbisyo ang isang sundalo kapag humigit sa tatlong buwan ang kanyang AWOL.
Ayon sa Disposition Form ni Palencia nung 1989, bago hainan ng “discharge order†ang isang sundalo dapat humigit sa tatlong buwan ang kanyang AWOL. Maigsi ang labing-tatlong araw para masabing may intensyon si Palencia na abandonahin ang kanyang pagiging kawal.
Bilang konsiderasyon siya’y ibinabalik sa posisyon. Ang problema hindi inaprubahan ng J1 ang kanyang hiling para sa “backpayâ€, dahil sa mga nakita nilang marka sa ‘service record’ niya nang paulit-ulit na pagliban ng walang paalam (AWOL). Sa anim na taong iyon, lumilitaw ang kabagalan ng proseso ng paggiling sa lalabas na desisyon. Ito rin ang nagtulak sa kanya para magtrabaho sa labas ng institusyon ng AFP na nakita ring butas ng J1 upang hindi ibigay sa kanya ang kanyang hinihingi.
“Denied with finalityâ€, ito na ang huling desisyon na pinagtibay ng batas ng AFP. May prebilehiyo ang sino man para sa isang apila na may palugit na tatlumpung araw(“reglementary periodâ€). Tapos ang bisa sa karapatan dito pagsapit ng takdang panahon. Makikitang inapila nga ni Palencia ang kanyang kaso at inilapit niya agad sa mga mas matataas na tanggapan ng military, subalit lumakad ang palugit na panahon at ibinabalik lang din siya sa J1.
Ang nakikita kong problema dito ay dapat siguro niyang sinunod ang proseso ng apila at sa J1 niya dinala ang kanyang usapin. Ang nangyari dinala niya ang kanyang kaso sa Office of the President.
Dahil sa patuloy ang palugit at hindi ito naaksyunan, naubos ito, at ganon nga ang nangyari. Natapos na ang “reglemantary periodâ€, kaya’t kahit iuntog ang iyong ulo sa pader, o kahit na sino pang hari o presidente ang kanyang hingan ng tulong ay walang nang magagawa para baliktarin pa ang pinal na desisyon.
Simple lang sana ang lahat kung nagkaroon lamang ng pasensya itong si Palencia na hintayin ang kanyang ‘Commanding Officer’ para sa isang lagda upang maaprubahan ang kanyang “passâ€. Hindi na sana humantong sa mahigit dalawampung taon pakikitunggali ang kanyang problema.
Sa lahat nang mga sumumpa sa tungkulin para maglingkod bilang tagapagtanggol ng bayan, ang isang sundalo ay na-doktrina upang sumunod sa lahat na legal na utos. Sa unang araw na isinuot nila ang kanilang uniporme at sombrero, naka-marka na sa kanilang katauhan ang paghihiwalay ng personal na buhay sa tawag ng kanilang tungkulin.
Ipagpa-umanhin mo Sgt. Palencia subalit ang nais mo ay hindi lamang baluktutin ang mga alintutunin ng Kodigo Militar, kung hindi ang baguhin din ito para makuha mo ang mga araw na ipinagserbisyo mo bilang isang ‘security guard’.
Kung nanindigan ka at puspusan mong ipinaglaban din ang iyong katayuan sa army at hindi ka nagtrabaho (mahirap sabihin din yan dahil magugutom ang iyong pamilya) maaring konsiderahin ng institusyon ang iyong pinaninindigan. Sa aking palagay tanging ang kagalang-galang na Pangulong Benigno Aquino III ang maaring magdikta na ibigay ang mga araw na dineklara nila na ‘no work no pay’ sa military. (KINALAP NI PAULINE VENTURA)
Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784393. Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.
Follow us on twitter: [email protected]
- Latest