^

PSN Opinyon

Ang Chief Steward

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

SI Rolly ay nakuhang Chief Steward sa Food and Beve-rage Department (F&B) ng isang hotel (MH) para sa tatlong buwan na probationary employment kung saan tatanggap siya ng P25,000 kada buwan.  Nagsimula ang kanyang empleo noong November 21, 1998 at naipaliwanag din sa kanya ang pamantayan upang maging isang regular na empleyado. 

Subalit nang matapos na ang probationary period ni Rolly noong February 21, 1999, walang naisagawang  pagkalkula sa kanyang gawain bilang probationary employee.  Gayunpaman ay iginiit ng Director ng F&B na hindi raw siya kwalipikado para maging isang Chief Steward kaya inirekomenda nitong ipagpatuloy ang probationary employment ni Rolly hanggang April 22, 1999.  Ayon pa sa Director, ipinaalam daw niya kay Rolly na hindi ito nakapasa dahil hindi naging maayos ang pamamahala nito sa mga tauhan, sa pamamaraan sa paggawa at sa kabuuang kakayahan nito.  Sa katunayan, si Rolly pa raw ang humiling ng pagpapatuloy ng probationary employment nito. 

Samantala, ipinakita ng MH ang dalawang Personal Action Form (PAF) na nagsasaad ng pagpapatuloy ng probationary period ni Rolly.  Ang una ay may petsang March 2, 1999 at ang ikalawa ay March 31, 1999.  Ang unang PAF ay nagsasaad lamang ng pagpapatuloy ng probation ni Rolly sa loob ng dalawa pang buwan kalakip ang isang memo.  Subalit ang PAF na ito ay walang na­banggit na resulta ng nagawa ni Rolly, walang naka-lakip na memo at wala rin ang pirma ni Rolly.  Samantala, nagsaad naman ang ikalawang PAF ng pagtatapos na ng probationary employment ni Rolly na naging epektibo noong April 9, 1999.

Kaya, naghain si Rolly ng reklamong illegal dismissal and non-payment of wages with prayers for reinstatement,   full backwages, damages and attorney’s fees.    Ayon kay Rolly, iligal daw ang pagtatapos ng kanyang probationary employment noong April 9, 1999 dahil sa petsang ito ay isa na siyang regular na empleyado kaya maaari lamang siyang matanggal sa makatwirang dahilan.  Tama ba si Rolly?

TAMA.  Ayon sa Labor Relations Law, si Rolly ay naging regular na emple-yado nang magtapos ang naitakdang tatlong buwang probationary employment nito noong February 21, 1999 dahil na rin sa kakulangan ng pagkalkula ng naging gawain nito at sa kawalan ng balidong pagpapatuloy ng probation nito.  

Samantala, ang pagdismis kay Rolly sa trabaho sa dahilang natapos na ang probationary employment nito ay hindi makatwirang kadahilanan dahil nang ipatupad ito ay regular na ang estado nito sa hotel.  Samakatuwid,  iligal ang pagdismis kay Rolly kaya nararapat na igawad sa kanya ang reinstatement without loss of seniority rights and privileges, full backwages kasama ang allowances at ilang benepisyo na ipinagkait sa kanya mula nang siya ay madismis hanggang sa aktuwal na pagbabalik niya sa trabaho (Dusit Hotel vs. R.M. Gatbonton, G.R. No. 161654, May 5, 2006).

AYON

CHIEF STEWARD

DUSIT HOTEL

EMPLOYMENT

LABOR RELATIONS LAW

NITO

PROBATIONARY

ROLLY

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with