Abogado, binawian ng karapatan
KAILANGAN na ang mga abogado ay tapat at masigasig maglingkod sa kanyang kliyente para itaguyod nila ang hustisiya. Upang maalagaan ang karangalan ng kanilang propesyon, kailangan nilang kumita nang marangal at mabuti, mag serbisyo at magpayo ayon sa mga prinsipyong moral. Ito ang ginamit sa kaso ni Atty. De Leon na binabawian ng karapatang maging abogado.
Si Atty. De Leon ay abogado ni Jimmy na hiwalay na sa asawa. Ang mag-asawa ay nakatira sa iba’t ibang condo sa Metro Manila. Sa katunayan nga nagsampa na si Jimmy ng petisyon upang pawalang bisa ang kasal nila at ang abogado niya ay si Atty. De Leon.
Makaraan ang isang taon matapos maghiwalay, inabisuhan si Amy ng administrador ng kanyang condo na si Jimmy, kasama ang tatlong tao ay gustong pumasok sa kanyang condo. Kaya tinawag ni Amy ang kanyang bantay na si Cesar Mendez upang pigilan sila Jimmy na pumasok sa kanyang condo. Pinagalitan ni Jimmy si Cesar. Sinabi niya na inutusan lang siya ni Amy. Mga pitong tao pang armado ang dumating at tinakot si Cesar. Pero umalis na sila ng dumating ang mga pulis.
Pagkatapos ay dumating si Atty. De Leon at kinausap ang mga pulis. At nang umalis na ang mga pulis, nakapasok na si Jimmy at Atty. De Leon sa condo at puwersahang binuksan sa tulong ng isang locksmith na tinawag nila. Pagkaraan ay napag-alaman ni Amy na nawawala ang 12 maleta o “handbag” niya.
Kaya nagsampa na siya ng reklamo na tanggalan si Atty. De Leon ng karapatan maging abogado (disbarment) sa pamamagitan ng “police report” at sinumpaang salaysay ni Cesar na nagsasaad ng mga seryoso at masamang asal ng abogado lalo na ang puwersahang pagbukas ng condo.
Matapos ang sapat na imbestigasyon nirekomenda ng “board of governors (BOG) ng Integrated Bar of the Philippines” (IBP) na tanggalan si Atty. De Leon ng lisensiya bilang abogado. Sa “mosyon” ni Atty. De Leon, ginagawa lang daw niya ang kanyang katungkulan bilang abogado ni Jimmy. Binago ng BOG ang rekomendasyon ng “investigating commissioner”. Pinayuhan at binalaan lang si Atty. De Leon na huwag nang ulitin ang kanyang ginawa, kundi ay parurusahan na siya ng mas mabigat.
Pagkaraan ng masigasig na pagsusuri, pinagtibay ng Supreme Court ang rekomendasyong ito. Sinabi ng SC na ang reklamo laban kay Atty. De Leon ay base lang sa affidavit ni Cesar at sa police report. Sa mga dokumentong ito hindi naman pinangalanan si Atty. De Leon bilang salarin. Hindi naman si Cesar ang umano’y nanakot, at ang partisipasyon ni Atty. De Leon sa ginawa ng mga tao at pulis.
Sinabi lang nila na inutusan ni Jimmy ang mga tao upang sirain ang padlock at pintuan. Kaya hindi naman napatunayan na nawala at nanira si Atty. De Leon ng pintuan, at pinayuhan lang niya ang kanyang kliyenteng si Jimmy na magsampa ng reklamo sa korte.
Ang responsibilidad ng abogado na protektahan at itaguyod ang interes ng kanyang kliyente ay dapat lang pangalagaan. Kailangang kumilos sila nang marangal at mabuti. Kaya dapat lang talagang payuhan si Atty. De Leon na serbisyuhan ng tapat at mabuti ang kanyang kliyente. Dapat lang na balaan siya na huwag nang ulitin ang mga ginawa niya. Kundi ay parurusahan siya ng mas mabigat (Ortega vs. Tadena, A.C. No. 12018, January 29, 2020).
- Latest