^

PSN Opinyon

Safety nets kontra giyera epektibo pa ba?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

SA harap ng digmaan ng Israel at Iran, giyera ng Russia at Ukraine at ang tensiyonadong sitwasyon sa Asia at Pasipiko dahil sa militarisasyon ng China, may bisa pa ba ang safety nets ng nagkakaisang mga bansa na napagkasunduan matapos ang World War 2 noong 1945?

Matapos ang World War 2, nagkasundo ang mga bansa sa buong mundo na bumuo ng mga safety net upang protektahan ang kapayapaan at seguridad ng daigdig.

Itinatag ang United Nations (UN), North Atlantic Treaty Orga­nization (NATO), at European Union (EU). Layunin nito na mapanatili ang balance of power at hadlangan ang mga dig­maan, at itaguyod ang kooperasyon at dayalogo ng mga bansa.

Ngunit sa mga maligalig na kondisyon ng mundo ngayon, tila wala nang bisa ang mga ito. Walang tigil at lumulubha pa ang palitan ng mga missile attack ng Israel-Iran, nagpapatuloy pa rin ang giyera ng Russia sa Ukraine. Nagpahayag pa ang Russia sa pamamagitan ng isang heneral nito na nagsimula na ang World War 3.

Ang UN ay patuloy na nagsisilbing isang mahalagang instrumento sa pagresolba ng mga sigalot upang itaguyod ang kapayapaan at seguridad sa mundo. Ngunit aminin natin na sa pagbabago ng teknolohiya, kultura at kaisipan ng tao, ang mga safety net na ito ay hindi na epektibo.

May mga bagong hamon at banta sa seguridad sa daigdig. Ang paglitaw ng mga bagong aktor at mga bagong uri ng dig­maan, tulad ng mga digmaang sibil pati na ang sigalot sa cyber space ay nagpapakita ng mga limitasyon ng mga institus­yong ito upang harapin mga bagong hamon ng bagong daigdig.

Sa huli, ang mga safety net ng komunidad ng mga bansa matapos ang World War 2 ay nanatiling may halaga at may bisa pa rin, ngunit kailangan din ng mga amyenda at reporma upang patuloy na may bisa sa pagharap sa mga bagong hamon at banta sa seguridad ng nagbabagong daigdig.

RUSSIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with