Editoryal - Alak at baril
MASAMANG magsama ang alak at baril. Kapag nakainom ng alak ang isang may baril, dito nagsisimula ang pagkulta ng kanyang utak. MaÂngangati ang kanyang daliri at magpapaputok. Mapupuno nang kawalang katwiran ang kanyang isip sapagkat namanhid na sa alak. Kaya hindi dapat uminom ng alak ang isang may baril. Hindi dapat paglaruan ang baril.
Mas lalong masama kung ang alak ay isisilbi sa isang birthday party na idinadaos sa loob mismo ng tanggapan na ang nag-oopisina ay may mga nakasukbit na baril. Hindi dapat nag-iinuman sa party na ginagawa sa opisina sapagkat maÂaaring magkabarilan. Kapag pinasok ng yabang ang nakaÂinom ng alak, maramimg posibleng mangyari. Magkakabarilan at mayroong masusugatan o mamamatay.
Ganito ang nangyari sa loob mismo ng NBI Headquarters sa Taft Ave. noong Biyernes ng gabi. Umano’y nagdaos ng party dahil birthday ng isang NBI agent.
Pero ang masayang party ay nahalinhan ng sigawan at putok ng baril. Nang matapos ang pamamaril, nakita ang isang NBI na may apat na tama ng bala sa katawan. Agad namang inaresto ang agent na namaril na nakilalang si Nestor Pascual. Ang kanyang binaril ay si Joselito Guillen, special investigator agent. Nasa hospital pa si Guillen dahil sa tindi ng mga tinamong sugat.
Umano’y nakita ni Guillen na inilabas ni Pascual ang baril habang nakikipag-inuman. Ang ginawa ni Guillen, kinuha ang baril ni Pascual at inalis ang magazine nito para matiyak na walang mangyaÂyaring masama habang may party. Pero ang hindi alam ni Guillen, may ekstrang magazine si Pascual at ito ang inilagay sa baril. Pinaputukan ni Pascual si Guillen.
Nagalit si Justice secretary Leila de Lima at sinibak si Manuel Jorge Jularbal, NBI Director for National Capital Region at ang mga agents na nag-iinuman. Nagtataka si De Lima kung bakit nagsilbi ng alak sa NBI.
Saan na susuling ang mga tao ngayon para humingi ng tulong? May dungis ang PNP at pati ngayon ay ang NBI. Ang taumbayan ang kawawa kapag ang mga alagad ng batas ay nawawala na sa sarili at maraming bulilyasong ginagawa. Paano pa maibabalik ang kumpiyansa?
- Latest