Paano iiwas sa diabetes
MARAMING Pilipino ngayon ang nagkakaroon ng diabetes. Ito ang sakit kung saan tumataas ang blood sugar sa dugo at posibleng magkaroon ng mga komplikasyon sa puso, mata, bato at paa.
Ayon sa malaking pagsusuri ng National Heart, Lung, and Blood Institute sa Maryland, USA, may limang paraan para makaiwas sa diabetes:
1. Huwag magpataba. Subukan abutin ang iyong tamang timbang.
2. Huwag manigarilyo.
3. Maging aktibo at mag-ehersisyo.
4. Umiwas o limitahan ang pag-inom ng alak.
5. Piliin ang mga masustansyang pagkain.
Ayon kay Dr. Jared Reis, ang awtor ng pagsusuri, ang pagiging mataba at pagkain ng maling pagkain ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng diabetes.
Ano ang bawal kainin o inumin?
Piliin ang mga ito: Limitahan o iwasan ang mga ito:
Tubig na malinis Soft drinks at Energy drinks
(bottled o filtered)
Tsaa na walang asukal Tsaa na may asukal
Kape na may low-fat milk Kape na may asukal at
at artificial sweetener gatas
Yogurt Regular ice cream
Gelatin Cakes at icing, pastries
Popcorn na konti lang ang Chicharon, potato chips,
asin at walang butter corn chips
Mag-ingat po sa pag-inom ng soft drinks, matatamis na juices at kape na puwedeng magpataba sa iyo. Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Tubig na lang ang inumin.
Kung ayaw niyong magkaroon ng diabetes, umiwas din sa pagkain ng ice cream, cake at mga sitsiryang walang mabuting idudulot sa ating katawan. Tingnan ang listahang ito. Maging matalino sa pagpili ng iyong kinakain.
- Latest
- Trending