Long overdue: One only, not two!
ARTICLE VIII, Section 8. (1) A Judicial and Bar Council is hereby created under the supervision of the Supreme Court composed of the Chief Justice as ex officio Chairman, the Secretary of Justice, and a representative of the Congress as ex officio Members …
Bilang pagrespeto sa probisyong ito, ang unang Senado nina Salonga, Neptali, Angara, Maceda, Romulo at iba pa at ang unang House of Representatives nina Mitra, Cuenco, Sumulong, Roco at iba pa ay nagpasyang paghatian na lamang ang kakatawan sa Kongreso sa JBC. Sa una nilang termino mula 1987 hanggang 1992 at sa pangalawang termino, 1992 hanggang 1995 ay taunan ang rotation ng Senate at House Justice Committee Chairmen sa JBC membership.
Nabago ang usapan sa 1995 kung saan sabay pina-upo ng JBC ang parehong kinatawan ng Senate at House. Sa patuloy na pagtanggap ng limitasyon na isa lang dapat ang boto ng Kongreso, binigyan ng tigkalahating boto ang dalawang pinaupong mambabatas.
Lumala ang sitwasyon noong 2001 sa ilalim ni Gng. Arroyo nang ipaubaya ng JBC sa Senador at Kongresistang miyembro ang tig-isang buong boto. Ang seven na membership na nakatakda sa Konstitusyon ay biglang naging eight. Ang nakapuwestong JBC Chairman noon ay si Chief Justice Hilario Davide. Pinagpatuloy ang sitwasyon ng mga sumunod na JBC sa pamumuno nina Chief Justice Artemio Panganiban at Reynato Puno.
Matagal nang kinukuwestiyon ang ganitong pama-malakad ng JBC subalit ngayon lang ito, sa wakas, napagpasyahan ng Mataas na Hukuman. Ayon sa Supreme Court, pagsinabi ng Saligang Batas na isang kinatawan lamang mula sa Kongreso, ang ibig sabihin ay one only and not two!
Naintindihan ito noon nina Salonga and Co. at Mitra and Co. Malinaw ito sa lahat nang marunong magbasa. Tanging sina Tupaz and Co. lang yata ang kulang sa unawa. Biruin n’yong mang-iimpeach pa raw sila ulit ng mahistrado dahil sa desisyong ito!?
Matagal nang pinayagang magpatuloy ang anomalya. Oras nang ituwid ang pagkakamali sa pamamalakad ng JBC. Isa itong pagwawasto na “long overdue”.
- Latest
- Trending