Delfin Lee pinaglaruan ang batas
TOTOO kayang nasa Philippines my Philippines pa ang notorious na estapador na si Delfin Lee dahil ito ang paniniyak ng mga Immigration kung sila ang paniniwalaan na nandito pa ito kaya naman nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit up to now ay dehins pa ito mahuli ng mga authorities.
Pati ang NBI ay mukhang napapakamot ang ulo sa paglaho ni Delfin tiyak lalo na ang PNP.
Bakit kaya?
Paldo ang pera kasi marami ang puwedeng bigyan?
Kailangan maghimas ng rehas si Delfin at mga kasama nito dahil nahatulan na sila para makalaboso sa kasong ‘syndicated estafa’ matapos silang gumamit ng mga ‘ghost borrower’ at pekeng dokumento ang Globe Asiatique company nila ang ginamit para makakuha ng halos P7 billion from Pag-ibig Fund.
Maraming sabit sa kasong ito pati si Marikina Rep. Miro Quimbo ay pinaiimbestigahan sa Office of the Ombudsman dahil siya ang bossing ng Pag-ibig Fund ng makakuha ng billion of pesos ang grupo ni Lee.
Ano na kaya ang nangyari sa investigation regarding kay Rep. Quimbo?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa dami ng salaping nakulimbat ni Delfin at mga kasamahan niya baka nagpabago na ito ng mukha at sumasakit ang tiyan sa katatawa dahil hindi siya mahanap.
Tinitiyak kasi ng immigration na andito pa si Delfin sa Philippines my Philippines dahil hindi makita ang pangalan niya sa immigration departure listing kung nakasibat ito.
Paano kung gumamit ng ibang pangalan?
Alam naman ng madlang people basta may salapi kang pantapal madaling kumuha ng panibagong passport para takasan ang kasalanan nila sa batas at magtago sa abroad.
POSIBLENG andito lang ang kontrabida este mali kontrobersyal pala na housing developer na si Delfin Lee.
Sa praise release ni Atty. Mangrobang, ang ‘super woman’ sa immigration ang huling rekord nila ng departure ni Lee going abroad ay last December 22, 2010, pero nag-return of the comeback ito Last December 26, 2010.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Kim Tae Dong, isang Korean national may guardia under hospital arrest nakatakas ito pang si Delfin na billion of pesos ang salaping nakurakot sa Pag-ibig Fund ang magpapahuli na alam niyang kalaboso siya.
Halos 10,000 mahihirap na madlang people ang niloko ni Delfin.
Abangan.
Paje at ang Environmental Ombudsman
HINDI kaya mag-ningas cogon lang ang Office of the Ombudsman sa bago nilang create na unit ang Environmental Ombudsman?
Gusto kasi ng Ombudsman na matutukan ang kaligtasan at pangalagaan ang kalikasan.
Naku mukhang ang unang masasalang sa grupong ito ay si DENR Secretary Ramon Paje.
Bakit?
May two cases of criminal at dalawang kasong administratibo na ang naisampa laban kay Paje.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, up to now ay wala pang action taken tungkol dito.
Ang mga case problem ni Paje ay isinampa ng representatives ng Philippine Earth Justice, Inc., dahil paglabag sa Sec. 3 ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at ang pagsuway sa RA 6713 at RA 9485.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ayaw ni Paje na magbigay ng kopya sa hiniling na ECC na inisyu sa probinsiya ng Cebu para sa pagtatatag ng Coal Ash Waste Disposal facility.
May mga pumipigil pa sa kompirmasyon ni Paje sa CA na pinoprotesta ng marami para pigilan ito bilang DENR Secretary ng DENR ang mga naghain ng reklamo ay sina Clemente Bautista ng Kalikasan People’s Network for the Environment; Zamboanga del Norte Gov. Rolando Yebes at mga small fishermen at miners ng Mt. Diwalwal, Compostela Valley.
‘Ano sa palagay mo mapabilis kaya ang takbo ng kaso ni Paje sa Environmental Ombudsman ngayon?’ tanong ng kuwagong manlilinglang.
Kamote sila lang ang makakasagot niyan.
Abangan.
- Latest
- Trending