^

PSN Opinyon

Bakit namamanhid ang mga paa?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pamamanhid ay puwedeng maramdaman sa iba’t ibang parte ng katawan, tulad ng kamay at paa. Kadalasan ang da­hilan­ ay ang naiipit na ugat o nerves kaya nama­manhid. Ang nerves ang nagbibigay ng pakiramdam sa ating katawan at kapag naipit ito, may mararamdaman kang parang kinu-kuryente, o parang may langgam na naglalakad sa iyong kamay o paa. Pero kapag ginalaw-galaw ang paa o kamay, ba­balik naman ang pakiramdam pagkatapos ng ilang segundo.

Ang mga posibleng dahilan ng pagkaipit ng nerves ay ang pag-upo o pagtayo ng matagal na panahon. Puwede ring maipit ang ugat o nerves sa paa o likod.

Kung mahilig magdala ng makapal na pitaka at madalas itong maupuan, puwede maipit ang nerve sa puwit (sciatic nerve) at magdulot ng pamamanhid sa paa. Ang tawag dito ay “Fat Wallet Syndrome”. Bawasan ang kapal ng pitaka o ilagay ang pitaka sa harapang bulsa. Huwag ding gawing unan ang kamay dahil maiipit ang nerve at magdudulot ng pamamanhid ng kamay.

May iba pang dahilan ang pamamanhid o pamimitig. Po­sible na mababa ang lebel ng electrolytes sa dugo tulad ng cal­cium, potassium at sodium. Ipasuri ito sa pamamagitan ng labo­ratory tests.

Kapag may nasirang ugat dahil sa alak at sigarilyo, pu­wede rin makaapekto sa nerves. Sa mga nagkakaedad, ang posibleng dahilan ay ang sakit tulad ng diabetes, carpal tunnel syndrome at stroke.

Ang solusyon sa pamamanhid ay ang paggamot sa sakit tulad ng diabetes at stroke. Kumain ng masustansyang pag­kain tulad ng prutas, gulay at isda. Uminom ng vitamins araw-araw. Mag-ehersisyo rin palagi para maging malakas at masigla ang katawan. Kumunsulta sa doktor kapag ma­dalas itong mangyari, nahihilo at nahihirapan maglakad.

MANHID

PAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with