^

PSN Opinyon

Pakikiramay, ginhawa: misyon ng Tzu Chi

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NANGANGALAP ng donasyon si Tzu Chi master Cheng Yen para sa mga proyektong pangmaralita sa mahigit 60 bansa.

Minsan lumapit sa kanya ang isang ama na nag-aabuloy ng NT$300 milyon. Nagalak si master Cheng sa laki ng nais iabuloy. Pero naramdaman niya ang agam-agam sa mukha, boses at kilos ng matanda.

Tinanong ito ni master Cheng kung bakit nais ipamigay ang NT$300 milyon. Umamin ang ama na nag-aaway-away sa pera ang tatlong anak niya. Binigyan na umano niya ang tatlo ng tig-isang magandang negosyo. Pero inaasam pa rin ng bawat isa ang naipon niyang NT$300 milyon.

Tzu Chi Philippines

Malumanay na tinanggihan ni master Cheng ang donas­yon. Sinabi niya na hindi niya matatanggap ang nakasima­ngot na salapi. Pinayo niya sa matanda na ayusin ang away-away ng mga anak nito, at gamitin ang NT$300 milyon sa ganu’ng pakay kung sakali.

Marami ring nag-aabuloy sa Tzu Chi ng personal ser­vice. Dito sa Pilipinas may barangay janitress sa Rodriguez, Rizal, na nagdi-dyip tuwing Lunes at Martes patungong Bacood, Sta. Mesa, Manila. Umaalalay siya sa mga may sakit sa mata para ma-checkup. Magiliw niyang inaakay patungo sa aparato para matingnan ng ophthalmologist.

May mga boluntaryo na dating biktima ng bagyo, baha, o sunog. Nagsisilbi sila sa mga bagong nangangailangan para masuklian ang utang na loob.

Masaklap na may mga nagbobuluntaryo para magpaki­tang-tao o magpalipas lang ng pagkainip. Hindi taos-puso ang pagsisilbi nila.

Ang ibig-sabihin ng Tzu Chi ay Compassion o Pakikiramay, at Relief o Ginhawa. Hindi uubra ang boluntaryong nagpa­panggap lamang. Mahahalata siya. Pagpapayuhan na sina­sayang niya ang kanyang oras. Lahat ng kawanggawa ay dapat taos sa puso.

SAPOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with