^

PSN Opinyon

Bartolome vs Pagdilao

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

DI NA maitago ang bangayan nina PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome at CIDG chief Dir. Samuel Pagdilao Jr. Kasi nitong mga nakaraang araw, kung anu-ano na ang ginagawa ni Bartolome para lang mapahiya si Pagdilao. At ang pinakahuli ay ang pag-raid sa Bata-ngas CIDG dahil sa kasong kidnapping at extortion laban sa tropa ni Chief Insp. Jay Agcaoile. Si Agcaoi­le ay matatawag kong bata talaga ni Pagdilao dahil kasama niya ito mula sa PIO, NPD at PRO4A. Ibig sabihin, si Pagdilao talaga ang target ng raid at idinawit lang si Agcaoile.

Alam ko naman na gusto na talagang ipapuwesto ng Palasyo si Chief Supt. Ed Ladao, ang PRO3 director sa CIDG na papalit kay Pagdilao. Ang siste lang, wala silang maisip na dahilan para sibakin si Pagdilao dahil abot-langit ang mga accomplishments nito sa CIDG. Kapag si Pagdilao kasi ay sa CIDG magreretiro, goodbye na lang sa pangarap ni Ladao na maging CIDG chief dahil ilang buwan na lang sa paglisan ng una, eh magreretiro na rin ang huli. ‘Ika nga bawal na sa PNP law. Kaya’t itinutulak ng Palasyo si Bartolome na gumawa ng paraan para masibak si Pagdilao. Pero may kasabihan na “You can’t put a good man down’’, di ba mga suki?

Si Bartolome ay dating miyembro ng PMA Class 79 kung saan kasama niya si Pagdilao. Subalit na turn back si Bartolome at naging PMA Class 80 siya. Kung ang record nila ang sisilipin mga suki, milya-milya ang agwat ni Pagdilao kay Bartolome. Hindi kaya professional jea-lousy ang ugat nitong away nina Bartolome at Pagdilao? Ano sa tingin n’yo mga suki?

Para nga masira si Pagdilao, unang sinibak ni Bartolome si Sr. Supt. Rodel Sermonia at mga 19 iba pa. Subalit mga suki, itong kaso lang ni Sermonia ang bago dahil ang iba pa ay sinibak na rin ni Pagdilao dahil sa kung anu-anong katiwalian. ‘Ika nga, binuhay lang ni Bartolome ang kaso ng mga kasamahan ni Sermonia para ipahiya si Pagdilao at ng tuluyan nang masibak siya. Pero hindi nagtagumpay si Bartolome at itong raid nga sa opisina ni Agcaoile ang pangalawang sultada. Me kasunod pa tiyak, dahil naglalaway na si Ladao na maupo sa CIDG. ‘Wag kumurap! Abangan!

vuukle comment

AGCAOILE

BARTOLOME

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

CIDG

DAHIL

ED LADAO

IKA

PAGDILAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with