^

PSN Opinyon

Pag-akyat sa Langit ng Panginoon

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

ANG unang pagbasa ngayong Linggong ito ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon ay ang simula ng liham ni Lukas kay Teofilo na pinamagatan ng sangka-kristiyanuhan na Mga Gawa ng mga Apostol. Sa kanyang pagbati ay sinulat ni Lukas: Mahal na Teofilo. Ang una niyang liham ay ang ebanghelyo ng Panginoon na sinimulan niya ng pagbati sa Kagalang-galang na Teofilo. Kung bibigyan natin ng malalim na kahulugan ang mga liham na ito ay nauukol ito sa atin sapagka’t tayo ang mga Teofilo na sa wikang Latin ang ibig sabihin ng Teofilo ay umiibig sa Diyos. Ang Theus ibig sabihin ay Diyos at ang philos ibig sabihin ay umiibig.

Maging ang Salmo ni David na napaka-habang pana- hon na ang nakalipas bago dumating ni Hesus ay pinaghandaan na niya ang papuri sa Anak ng Diyos: “Habang umaakyat ang Diyos ang tambuli’y tumutunog”. Si Pablo ay nanalangin sa Panginoon na pagkalooban tayo ng Espiritu ng Karunungan at nang tunay na pagkakilala sa Kanya.

Noong mga sandali ng Kanyang Pag-akyat sa langit ay pinagbilinan Niya ang mga alagad: “Ibinigay na sa Akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya humayo kayo at gawin ninyong alagad Ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo”. Napaka-dakila at napaka-banal ng huling paalam ni Hesus sa mga alagad at sa ating buhay. Ipinagbilin Niya na sundin natin ang Kanyang mga utos. Lagi nating tandaan at isabuhay ang Kanyang huling salita: “Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan”.

Talaga palang merong katapusan ng daigdig. Ang hindi natin alam ay kung kailan at kung paano ang katapusan. Ang tangi lamang nating isaisip at isa-puso ay ang sinabi ni Hesus na: “Tandaan ninyo.” Kaya naman palagi tayong human-da at pagsisihan ang mga nagawang kasa-lanan. Gawin natin ito tuwina upang sigurado tayong isasama Niya sa Kanyang inakya-tang kaharian.

Gawa 1:1-11; Sal-mo 46; Efeso1:17-23 at Mt 28:16-20

ANAK

ANG THEUS

DIYOS

ESPIRITU SANTO

HESUS

IPINAGBILIN NIYA

KANYANG

PANGINOON

TEOFILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with