^

PSN Opinyon

Ok ang RH Bill

PILANTIK - Dadong Matinik -

Dahil umabuso nagdaang rehimen –

itong ating bansa ay nasa gupiling;

naisipan noon na Family Planning

ay pinabayaang sumama sa hangin!

Lubhang marami na Pilipino ngayon

triple na ang bilang nitong populasyon;

kaya ang Pangulo na anak ni Ninoy

Reproductive Health Bill ang isinusulong!

Ang nasabing batas ginawa ng Congress

upang sambayanan lumusog, luminis;

at ang mag-asawang tapat ang pag-ibig

sa family planning dapat tumangkilik!

Hanggang dalwa lamang ang dapat na anak

ng isang pamilyang mayaman at hamak;

pag higit sa rito ay hindi na dapat

sapagka’t lulubha ating paghihirap!

Pero bakit kaya ang ating simbahan

ang family planning ay inaayawan?

hindi ba’t ito lang ang tanging paraan

para hirap natin agad malampasan?

Pakiusap sana – magbago ng image

ang ating simbahan na tinatangkilik –

huwag nang hadlangan ang magandang nais

na ang populasyon ay bigyan ng limit!

Dahil sa sobra na ang dami ng tao

kapwa nagdurusa simbaha’t gobyerno;

ang maraming hudas nagiging bandido’t

dumadalang na rin mabuting Kristyano!

Ang ating simbaha’y dapat umunawa

mga nagsisimba ay maraming dukha;

bitbit sampung anak ang hingi ay awa –

pagkain at damit nais na biyaya!

Lubhang kawawa na ating mamamayan

ang maraming anak napapabayaan;

hindi naman pwedeng iasa na lamang

sa awa ng Diyos -- pangangailangan

vuukle comment

ATING

DAHIL

DIYOS

FAMILY PLANNING

HANGGANG

KRISTYANO

LUBHANG

NINOY

PAKIUSAP

REPRODUCTIVE HEALTH BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with