^

PSN Opinyon

Okey lang mangulit

Enjoy Lang! - Fr. Glenn Paul M. Gomez, SVD - Pilipino Star Ngayon

Okey  lang mangulit. Hindi ka makulit, mapagtiyaga ka lang!

Karamihan sa atin, ang mangungulit ay nakakainis. Pero sa mata ng Diyos, ang kakulitan ay perseverance - hindi pagsuko hangga’t hindi nakakamit ang tama.

Kaya okey lang mangulit.

Mangulit tayo na dapat hulihin na ang mga proven na sangkot sa scandalous Flood Control Projects! Bilyong piso ang nawala, maraming bahay ang nalubog, maraming Pilipino ang naghirap. Hindi puwedeng kalimutan lang yan. Kailangan ng hustisya. Kaya okey lang pa-ulit-ulit tayong maningil ng accountability.

At hindi lang sa gobyerno. Mangulit tayo sa Diyos! Kulitin natin Siya na baguhin ang puso ng mga tiwaling empleyado ng gobyerno at maging sa private sector. Kulitin natin ang Langit na turuan silang maging tapat.

Sa Bibliya, may kuwento ng balong babae na kinulit ang isang astig at supladong hukom (Lucas 18:1-8). Araw-araw niyang kinulit. “Bigyan mo ako ng hustisya!” Sa huli, nakuha niya! Dahil sa kakulitan niya!

Ganyan din ang Canaanite woman na kinulit si Hesus para pagalingin ang anak niya. At pinagbigyan siya!

Nanaig ang kakulitan dahil ang Diyos ay nakikinig sa matiyagang puso.

Sa Psychology, ang pangungulit o perseverance ay tanda ng taong matatag:

Una, nagkakaroon ka ng resilience. Hindi ka basta sumusuko sa problema.

Pangalawa, lumalakas ang self-confidence. Kasi alam mong lumalaban ka para sa tama.

Pangatlo, nagkakaroon ng pag-asa ang komunidad. ‘Pag may isang taong makulit sa katotohanan, nahahawa ang iba na maging matapang din.

Kaya mga kapatid, huwag tayong mapagod mangulit para sa tama. I-message mo, i-post mo, ipagdasal mo, isigaw mo - hangga’t may kurapsyon, mangulit tayo!

Dahil kung hindi tayo mangungulit sa Diyos at sa gobyerno, sino ang kikilos?

Okey lang mangulit. Dahil ang hustisya, pinagpupursigehan, hindi hinihintay lang.

Magdasal po tayo: Panginoon, turuan N’yo po kaming mangulit sa panalangin at sa paghingi ng katarungan. Baguhin N’yo po ang puso ng mga tiwaling opisyal at bigyan N’yo po kami ng lakas na huwag mapagod sa paglaban para sa katotohanan at katapatan. Amen.

Enjoy Life! Enjoy Justice! Bendisyonan po kayo ng Poong Maykapal.

ENJOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with