^

PSN Opinyon

Okey lang kumontra

Enjoy Lang! - Fr. Glenn Paul M. Gomez, SVD - Pilipino Star Ngayon

Okey lang kumontra. Hindi ka bastos.

Akala ng iba, kapag mabait ka, dapat oo ka nang oo. Tahimik ka lang kahit may kurapsyon na sa harap mo. Ngiti ka lang kahit niloloko ka na sa negosyo. Oo ka nang oo kahit binu-bully ka na.

Hindi kabaitan ‘yan. Kaduwagan ‘yan.

Okey lang kumontra - kung ang kinokontra mo ay masama.

Kumontra ka sa kurapsyon. Huwag makihati, huwag makisipsip.

Kumontra ka sa manipulasyon. Huwag magpaloko sa mga taong ginagamit ka lang.

Kumontra ka sa pandaraya sa negosyo, sa panloloko, sa mga mapagsamantalang tao.

Harapin, kontrahin at ipakulong ang mga nangbubudol sa gobyerno at sa mga tao!

At okey lang din kontrahin ang maling paniniwala.

Kagaya ng sabi ng matatanda pagkatapos ng binyag: “Dapat unang lumabas sa simbahan ang bata para suwertihin!” Superstition ‘yan! Hindi swerte ang magliligtas sa bata, kundi si Kristo. Kaya dapat kontrahin.

Sa Bibliya, si Hesus mismo ang unang kumontra! Hinarap Niya ang mga hipokritong Pariseo at Eskriba. Hindi Siya natakot. Sabi Niya: “Woe to you, scribes and Pharisees, you hypocrites! Sa aba ninyo!” (Mateo 23:13)

Hindi Siya nagpasensya sa mali. Ipinaglaban Niya ang katotohanan. Kinontra Niya ang kasinungalingan.

Sa Psychology, ang pagkontra sa mali ay tanda ng inner strength. Ibig sabihin, buo ka. May prinsipyo ka. Hindi ka puppet na hinihila lang ng iba. Ang taong marunong kumontra ay may lakas ng loob at may respeto sa sarili.

Kaya kapatid, kung inaabuso ka na, kumontra ka. Kung may mali sa pamilya, sa barangay, sa opisina - magsalita ka. Mahinahon, pero matapang.

Dahil kung hindi ka kukontra sa masama, para mo na ring sinang-ayunan ang masama.

Okey lang kumontra. Dahil ang Diyos, kumontra din sa kasalanan para iligtas tayo.

Magdasal po tayo: Panginoon, bigyan N’yo po ako ng lakas ng loob na kontrahin ang masama at ipaglaban ang mabuti. Huwag N’yo po akong hayaang manahimik kung kailangang magsalita. Amen.

Enjoy Life! Enjoy Courage! Bendisyunan po kayo ng Poong Maykapal.

KONTRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with