^

PSN Opinyon

Ano ang reaksyon ng simbahan?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

TIYAK magsusungit ang mga catholic priest sa ginawang pagsuporta ni P. Noy sa birth control.

Bakit?

Nagbigay ng basbas si P. Noy tungkol dito.

Sino ang may sabi?

Ang DOH, dahil suportado ng pangulo sa kanilang proyekto regarding sa pagpa-plano ng pamilya.

Ayon sa DOH, free as in libre ang artificial contraceptives na ibibigay sa mga mag-watot sa kanilang local government.

Sabi ng DOH, nasa mag-asawa ang pagpili kung anong klase ang gusto nila sa gagawin nilang family planning.

Sabi nga, hindi sila pipilitin.

Kaya naman umaasa ang Department of Health na maiintindihan sila ng catholic church.

Abangan....ang bangayan. Hehehe!

* * *

Mga urot kay P. Noy

TAPANGAN dapat ni P. Noy ang kanyang dibdib dahil maraming urot at anay sa kanyang paligid na maaring sumira sa diskarte niya.

Ika nga, para sakmalin siya.

Kaya naman dapat huwag niyang pansinin o pakinggan ang mga kamote.

Sabi nga, dedmahin!

May mga sidekick si P. Noy na gumagawa ng mga paraan para hawakan siya sa leeg upang hindi makapalag sa kagustuhan ng mga kamote na nasa paligid niya at sirain ang kredibilidad ng mga trusted people nito.

Parang mas marunong pa sila kay P. Noy.

Ika nga, inuunahan sa diskarte.

Sa isyu ng jueteng… inurot si P. Noy na mapikon kaya naman bulgaran blues ang nangyayari pero asan ang evidence.

Sabi nga, malakas ba ang evidence to be proven hindi lang sa dalawang kapulungan kundi sa korte.

Asan?

Walang habas na pagsira sa kredibilidad ni dating Chief PNP Jesus Verzosa, DILG Usec Rico Puno na tumatanggap ito ng million of pesos para sa operation ng jueteng.

Sina Governor Chavit Singson et al ay inakusahan pang mga gambling lord.

Sabi nga, kawawa naman.

Lahat ng mga bahong puedeng iutot este mali ituro pala ay pinaggagawa ng mga gustong pumapel kaya naman sira doon, sira dito ang pinaggagawa sa mga taong nasa itaas ang pangalan.

Paano ngayon mapapatunayan ang kanilang mga akusasyon.

Ang katapusan nito tiyak demandahan blues ang mangyayari.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

DEPARTMENT OF HEALTH

IKA

JESUS VERZOSA

KAYA

NOY

SABI

SINA GOVERNOR CHAVIT SINGSON

USEC RICO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with