^

PSN Opinyon

Alyas Nancy, kinakalong ni Mayor Aldrin San Pedro

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SINUSUYOD ng mga operatiba ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang southern Metro Manila para tuluyan ng tuldukan ang sugal-lupa at shabu operation ng isang alyas Nancy sa Muntinlupa. Kung kinunsinti ng liderato ni NBI director Nestor Mantaring si Nancy, kay NCRPO chief Dir. Boysie Rosales ay hindi. Umabot na sa 16 kubrador ni Nancy ang natiklo ng NCRPO mula pa noong nakaraang linggo at lima pa sa kanila ang nasa selda sa Camp Bagong Diwa dahil hindi nakapagpiyansa. Ibig sabihin, hindi marunong mag-alaga ng tauhan si Nancy. Ang balitang nakarating sa akin, tuloy pa rin ang operation ni Nancy at gerilya na siya. Kapag gerilya, ang ibig sabihin me lingguhang intelihensiya pa si Nancy sa iba’t ibang sangay ng gobyerno tulad ng NBI subalit sa NCRPO tablado na siya. Get’s n’yo mga suki?

Habang ginagalugad ng NCRPO ang mga “butas” ni Nancy, nagyayabang pa ito na hindi siya susuko dahil malapit nang sibakin sa puwesto si Rosales. Kaya minabuti ni Supt. Leo Francisco, hepe ng RPIOU na ‘wag lubayan itong mga butas ng sugal-lupa ni Nancy. Subalit dahil gerilya ang operation nila, aba matinik talaga ang mga bataan ni Nancy dahil mahirap silang mahuli. Pati ang malaking bahay ni Nancy sa Bgy. Poblacion eh hindi na pinapasok ng kanyang mga kabo. Pasasaan ba’t ang pagyayabang ni Nancy ay matatapos din. ‘Yan ang panga­ko ni Francisco na 15 years na sa serbisyo. Ganyan katagal maggerilya si Nancy sa sugal-lupa at pagtutulak niya ng droga? Ano sa tingin mo Mayor Aldrin San Pedro at amang si Mang Tomas?

Lumalabas na hindi lang pala NBI ang kumakalong kay Nancy kundi maging si Mayor San Pedro at amang si Mang Tomas. Pitsa-pitsa ang inuuna ng mga pulitiko natin at kamag-anak at hindi inaalintana ang kinabukasan ng kanilang constituents. Kaya dapat kumilos si Mayor San Pedro laban kay Nancy para hindi siya masuspetsahan na patong sa sugal-lupa at pagtutulak nito ng shabu, di ba mga suki? Hindi naman makapag-operate si Nancy kung walang basbas ng mga pulitiko, anang mga kausap ko. Kung si Rosales kayang tablahin si Nancy, bakit ang NBI at mga San Pedro hindi? Magandang tanong yan ah. Si Nancy ang nasa likod ng sugal-lupa tulad ng jai-alai bookies, karera ng kabayo, ending, lotteng, at iba pa hindi lang sa Muntinlupa kundi maging sa Pasay, Parañaque, at Taguig. Pero ang sugal-lupa ay front lang ng pagtutulak ng shabu ng kanyang asawa, anang mga kausap ko. Ano ba ‘yan? Papayag kaya si Mayor San Pedro na maging pugad ng sugal at shabu ang siyudad nya? Isusunod ko ang pasugalan nina Eric Castro at Junjun Villanueva at ang basbas ni Pasay City Mayor Tony Calixto.

Abangan!

vuukle comment

ANO

BOYSIE ROSALES

CAMP BAGONG DIWA

ERIC CASTRO

JUNJUN VILLANUEVA

MANG TOMAS

MAYOR SAN PEDRO

NANCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with