^

PSN Opinyon

Pork barrels sa 2027 dapat i-veto ni BBM

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Labag sa Konstitusyon ang maseselang probisyon ng pambansang budgets nu’ng 2024, 2025, at 2026. Pasya ‘yan ng Korte Suprema nu’ng Oct. 7.

Mali ang pagdagdag ng Kongreso ng P449.5 bilyon sa Unprogrammed Appropriations nu’ng 2024, anang Korte. Mali rin ang pagdagdag ng Kongreso ng P17.99 bilyon sa DPWH Special Road Fund at P12.75 bilyon sa Special Accounts nu’ng 2025. Mali pa rin ang muling pagsingit ng pork barrels sa unprogrammed appropriations nu’ng 2026.

Kung ganon, dapat i-veto ni President Bongbong Marcos­ ang ipinasang budget ng Kongreso para 2027. Kung hindi niya ito gawin, masasabing kinukunsinti niya ang abusadong Kongreso.

Photo from Bongbong Marcos/Facebook

Tinapyasan ng mga kongresista ng P180 bilyon ang bud­gets ng DepEd, DOH, PhilHealth, DOST, DOTr, at foreign-assisted projects. Nilipat ito sa DPWH engineering­ districts nila para 2027. Napaiyak sila sa galak nu’ng Oct. 6. Lumuluha ang buwaya kapag nabusog.

Pinakamalaking nakinabang sina:

Majority leader Sandro Marcos, na naging P4.8 bilyon ang pork barrel mula sa panukala ng Malacañang na P400 milyon. Kumabig na ng P15.8 bilyon si Sandro nu’ng 2023-2025, anang Philippine Center for Investigative Journalism.

Rep. Mikaela Suansing, appropriations committee chair­woman, P3.91 bilyon para sa Nuevae Ecija 1st district.

Rep. Augustina Pancho, appropriations vice chairwo­man, P3.5 bilyon para sa Bulacan 2nd district.

Rep. Joseph Tan, appropriations vice chairman, P3.1 bilyon para sa Isabela 4th district. Bayaw si Tan ng anak ni Speaker Bojie Dy.

Malaking tulong para sa Pananagutan at kontra sa Katiwalian ang Presidential veto. Pero gagawin kaya ito ni BBM alang-alang sa bayan? O papanig ba siya sa anak at mga kapwa niya politiko?

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with