^

PSN Opinyon

De-kalidad na punla...Efren Seedlings & Marites Garden

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang mga de-kalidad at magagandang punla ng iba’t ibang uri ng gulay na maaaring bilhin at itanim.

Ang aking tinutukoy ay ang Efren Seedlings and Marites Garden na makikita sa Sitio Kina-wayanan, Laoac West, Alcala, Pangasinan.

Ang nasabing Garden ay pag-aari ni Efren Barroga, dating Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang Spain.

Ayon kay Efren, mahigit sampung taon siyang OFW at noong maisipang mag-for-good na at hindi na magtrabaho sa ibang bansa ay naghanap siya ng mapaglilibangan sa pagtatanim ng mga gulay.

Aniya, napunla siya ng mga gulay tulad ng kamatis, sili, talong at iba pa.

Noong una ay pang personal use o tanim lang niya pero marami sa mga kalugar niya ang bumibili ng mga punla niya kasi magaganda ang mga ito at hitik na hitik kung magbunga.

Naging regular ang pagbili sa kanya ng mga punla ng maraming magsasaka sa kanilang lugar kaya nagpatayo ito ng isang greenhouse.

Lalo pang nakilala si Efren sa pagpupunla at dumami pa ang mga kostumer niya kaya ngayon ay apat na ang greenhouse niya.

Hindi lamang sa bayan ng Alcala nakilala si Efren, bagkus ay sa buong lalawigan ng Pa-ngasinan.

Ang dating libangan lang ni Efren, ngayon ay kumikitang kabuhayan.

“Marami na ang naging milyonaryo dahil sa mga punla ko,” sabi ni Efren.

Sinamahan na rin Efren ng mga flowering plants ang kanyang punlaan dahil na rin sa kahilingan o request ng kanilang mga kostumer.

Narating ko na at personal na nakita ang mga magagandang punla ng iba’t ibang gulay sa Efren Seedlings kaya masasabi kong garantisado ang mga ito.

Sa mga nais bumili ng maganda at quality na seedlings ay magpadala lamang po kayo ng mensahe sa kanilang page na Efren Seedlings and Marites Garden o kaya ay mag-text sa 0906-596-25-20.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood, mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Ngayong Linggo, November 15, 2026 ay mapapanood ninyo ang aking interview kay Efren Barroga sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay na ngayon ay Season 24 na.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Tumanggap na ng iba’t ibang parangal at pagkilala mula sa gobyerno at NGO at ang latest ay noong June 7, 2026 na ginawaran bilang Lifetime Achievement Award Innovation and Advocacy in Sustainable Agriculture and Urban Gardening ng Dangal ng Lahing Pilipino ang Magsasakang Reporter at Child-Friendly TV program nitong October 27, 2026.

Sa mga tanong at komento, maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with