^

PSN Opinyon

Daming prostitution dens sa Maynila

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NOONG Biyernes ng gabi maraming motorista ang nabuwisit nang isara ang M.H. Del Pilar, Ermita, Manila. Sinalakay ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice (DOJ), Depart­ment of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare Development (DSWD) at Manila Police District Women and Children’s Desk ang LA Café Restaurant dahil lungga ng prostitution na matagal nang pinuproblema sa lungsod.

Dalawang oras tumagal ang pagsalakay. Nadakma ang mga bugaw at binitbit ng mga pulis. Maraming dayuhang parukyano ang nagalit nang agawin ng raiding team ang kanilang mga ka-table na babae at pakaladkad na inilabas. Walang itinirang babae sa LA Cape. Kinumander ng mga pulis ang ilang pampasaherong jeepney para mapagsakyan patungong MPD headquarters sa UN Avenue.

Nakunan ko ng larawan ang pangyayari kaya kitang-kita na punumpuno ng mga dayuhan na nag-iinuman kasama ang kanilang mga partner na babae. Halos hindi ako makahinga dahil sa kapal ng usok ng sigarilyo. Maraming dayuhang paruk­yano ang nagalit sa pagsalakay dahil naabala ang kanilang panonood ng live telecast ng football games at panlalambutsing sa kanilang partner. Napawi naman ang galit ng mga parukyano nang magpaliwanag si retired Col. Jess Kabigting, consultant ng IACAT-DOJ.

Ang mga babae ay dinala sa MPD multi-purpose Hall at binusisi ang working permits at health certificate. Umabot sa 18 menor-de-edad ang pansamantalang inilagak sa DSWD. Ang mga bugaw at personnel ng LA Cape ay sinampahan ng kaso. Ang hindi maganda, makalipas ang ilang oras na pamamalagi ng mga babae sa MPD ay pinakawalan din agad ang mga ito. At ang balita ko, pumapasada na naman sila sa Ermita para magbenta ng laman sa mga dayuhan.

Mayor Lim, kung talagang nais mong tulungan ang mga kababaehan, kumilos ka na. Bigyan sila ng hanapbuhay na marangal. Ikumpas mo rin ang iyong kamay na bakal para ma­ipasara ang mga night club. Latiguhin mo rin ang mga dayuhang nagpi-finance sa prostitution dens. Abangan!

vuukle comment

DEL PILAR

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE DEVELOPMENT

ERMITA

INTER-AGENCY COUNCIL AGAINST TRAFFICKING

JESS KABIGTING

LABOR AND EMPLOYMENT

MANILA POLICE DISTRICT WOMEN

MARAMING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with