^

PSN Opinyon

Corpus Christi

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYONG unang linggo ng Hunyo ay ating ipinagdiriwang ang kapistahan ng Katawan at Dugo ni Hesus. Isang pananampalataya na si Hesus bago Siya magpakasakit, mamatay, muling nabuhay at umakyat sa Kanyang kaharian at nag-iwan sa atin ng kanyang mabiyayang pamana. Ito ang pagkakaloob ng isang pagkaing nagbibigay sa atin ng buhay, ang Kanyang Katawan at Dugo, Corpus Cristi o Cuerpo de Cristo.

Kaya’t sa linggong pagdiriwang ay hindi lamang tayo pinakakain ng Kanyang Salita (Bibliya) kundi ang Kanyang katawan at pina-iinom ng Kanyang dugo. Dito din itinalaga ni Hesus ang kaparian ayon sa pagkatalaga ng Ama kay Melkisedek: “Ikaw ay pari magpakailanman ayon sa pagka-pari ni Melkisedek” Sa simbahang Kristiyano Romano Katoliko ay isang pagdiriwang ng kainan tuwing linggo. Isinasabuhay natin ang Huling Hapunan: “Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa Akin”.

Ang tuwinang pagpapakain ni Hesus na bahagi ng Kanyang pangangaral ay isang paghahanda sa dakilang pagkain o hapunan na hanggang ngayon ay buhay na buhay sa Kanyang simbahan. Kung sa bawat handaan na ating dinadaluhan ay lagi tayo nagbibihis ng malinis at maayos na pananamit ay paala-ala din sa sanka-kristianuhan na maglinis muna tayo ng ating kalooban upang tayo’y maging karapat-dapat tanggapin ang pagkain ng ating buhay, si Hesus.

Sa ating pagkain kay Hesus ay binibigyan tayo ng ma­linis na buhay. Tayo’y pinalalakas sa ating kalooban, pinapata­wad sa ating mga kasalanan, ginagamot sa ating mga ka­­ramda-   man at pinagpapala ng Kanyang biyaya. Sa aking paghahanda sa pag-aalay ng Banal na Misa ay sinisimulan ko ito aking taimtim na pagsisisi sa aking kasalanan upang sa kanyang pagpapatawad ay maging karapat-dapat ako sa pagpapakain ng Kanyang katawan sa lahat ng mga nakikipagdiwang sa banal na kainan o Misa.

    Kaya’t isang paghimok sa atin na sa tuwing dadalo tayo sa ating mga simbahan ay lagi tayong maging handa at malinis lalo na sa kainan o banal na komunyon.     

* * *

Ipinagdiriwang po ngayon ang kapistahan ni San Antonio de Padua. Pinipintakasi siya tuwing Martes ng mga naghahanap sa mga nawawalang bagay o mahal sa buhay.

Gen 14:18-20; Salmo 110; 1Cor 11:23-26 at Lk 9:11b-17

vuukle comment

ATING

CORPUS CRISTI

DUGO

HESUS

HULING HAPUNAN

KANYANG

KANYANG KATAWAN

KANYANG SALITA

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with