^

PSN Opinyon

Gen. Matta, lipulin mo sindikato ng droga!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MULA nang umupo sa Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) si BGen. Eleazar Matta, sunud-sunod na ang pag­kadakip sa mga miyembro ng drug syndicates.

Kamakailan, nalambat ni Matta ang mga Pakistani na sina Zahid Rafique Pasha at Akram Muhammad at nakuha sa kanila ang mga party drug na Ketamine na nagkakahalaga ng P235 milyon.

Palagay ko, hindi nagkamali si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa paghirang kay Matta para matuldukan ang pamamayagpag ng droga sa bansa.

Kilala ko si Matta dahil matagal akong nagkober sa Manila Police District kung saan siya naka-assigned. Subok ko na ang kakayahan niya na maglingkod sa sambayanan.

At ngayon na isa na siya sa may pinakamahalagang puwesto sa PNP, nasisiguro kong hihigitan pa niya ang pag­tatrabaho para maging matagumpay ang kampanya kontra droga sa buong bansa.

Isa sa dapat wasakin ni Matta ay ang drug syndicate na ginagamit ang RoRo transport para maitawid ang droga sa Western Visayas. Nalaman ko, talamak ang ang pagdagsa ng droga na nagmumula sa iba’t ibang panig ng bansa at isinasakay sa mga RoRo.

Ngayong nabigyan ko na ng tips si Matta, dapat traba­huhin na niya ito. Hindi na siya mahihirapan sa pag­dakma sa mga miyembro ng sindikato. Ang dapat na lang gawin ni Matta ay magtalaga ng mga tauhan sa mga pantalan.

Pag-ibayuhin ang pagmamatyag sa mga terminal ng mga bus, cargo trucks at maging sa mga kargahan ng seafood products. Sa tingin ko, sa mga pantalan ipinadaraan ang supply ng droga sa mga lalawigan sa pamamagitan ng pagsasakay sa RoRo vessels.

Kilos na General Matta. Hulihin ang mga sindikato ng droga na ang target ay ang Western Visayas. Maraming kabataan ang masisira ang kinabukasan kapag hindi nalipol ang mga sindikato ng illegal na droga.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with