^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagkukulang ng mayor kaya nakapasok ang POGOs

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pagkukulang ng mayor kaya nakapasok ang POGOs

Marami pa umanong illegal POGOs sa buong bansa sabi ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC). Hindi lamang umano sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga mayroong POGOs kundi sa marami pang bayan at siyudad sa bansa. Ayon sa PAOCC, 300 POGOs ang kanilang sinu-surveilance at sa mga susunod na araw ay magkakaroon sila ng pagsalakay. Mino-monitor din umano nila ang mga nakatakas na personnel ng POGOs sa Porac ay lumipat lamang sa iba pang illegal POGOs.

Ang dalawang pagsalakay ng PAOCC na ginawa sa Bamban noong Marso at Abril 2024 ay masasabing­ tagumpay sapagkat nahubaran kung sino ang mga nasa likod ng illegal POGOs doon. Ang POGO hubs sa Bamban ay nasa isang compound na pag-aari umano ng suspended Mayor Alice Guo. Nasa likod lamang ng munisipyo ng Bamban ang compound na kinaroroonan ng 36 na gusali ng POGOs. Itinanggi naman ni Guo ang akusasyon.

Ang tagumpay na raid sa Bamban ay nasundan no­ong nakaraang buwan makaraang salakayin ang POGO hubs sa Porac, Pampanga. Mas malaki ang POGO hubs sa Porac sapagkat nasa malawak na lupain ang 46 na gusali na kumpleto sa lahat nang pangangailangan. Hindi lamang online gaming ang sinisilbi sa POGO hubs sa Porac kundi pati na rin panandaliang aliw at iba pang illegal na serbisyo. Hindi na raw kailangang lumabas pa sapagkat naroon na lahat.

Ang nakapagtataka ay kung paano nakapag-ope­rate ang illegal POGOs sa Porac na hindi nalalaman ng mayor doon. Paano nakalusot ang pagpapagawa ng 46 na gusali sa compound ng Lucky South 99 na hindi dumaan sa tanggapan ng mayor. Ginawa umano ang mga gusali ng POGOs noong panahon ng pandemya. Hindi man lang sinilip ng mayor na mayroong ginagawang 46 na malalaking gusali sa kanyang nasasakupan.

Hindi naitago ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pagkadismaya sa ginawang pagdinig ng Senado noong Miyerkules sapagkat malaki ang naging pagkukulang ni Porac Mayor Jaime Capil sa mga natuklasang POGO hubs sa kanyang nasasakupan. Nalaman ng senador na hindi raw pinapasok si Capil sa POGO hubs para inspeksiyunin. Hindi raw dapat ikatwiran ito sapagkat sa Office of the Mayor nanggagaling ang business at building permits. Sabi pa ng senador, hindi rin katanggap-tanggap na idahilan na hindi alam ang operasyon nang malaking POGO hubs sa nasasakupan. Irerekomenda umano ni Gatchalian sa DILG na masuspinde rin si Capil.

Marami pang mayor ang bulag, pipi at bingi sa operasyon ng POGOs. Dahil sa kanilang pagkukulang, du­magsa ang POGOs na ngayon ay malaking problema ng bansa. Dapat masuspinde ang mga inutil na mayor.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with