^

PSN Opinyon

Common sense

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

(Huling Bahagi)

DALAWANG bagong testigo ang iprinisinta ng prosecution, sina Binoy at Al, para sa paglilitis ng petition ni Lily na mabigyan ng piyansa.

Sabi ni Binoy na sa araw na namatay si Franco, nakarinig siya ng putok ng baril at nakakita ng tatlong lalaking tumatakbo pupunta sa kotse ni Lily. Sabi naman ni Al na inutusan siya ni Lily na maghanap ng hired killer. Ginamit ng RTC ang mga testimonyang ito bilang base­han sa pagtanggi ng petisyon ni Lily para sa piyansa.

Iniutos ng bagong RTC branch kung saan na re-raffle ang kaso na idismis ang kasong murder laban sa mga akusado kasama na si Lily at Berto pagkatapos ng ebalwasyon ng ebidensya alinsunod sa mga utos ng CA at SC. Binase ng presiding judge ng bagong branch ang utos: 1.) hindi kapani-paniwala ang testimonya ni Rina, Nesty at Dan dahil sa kanilang pagbawi nito; 2.) imposible na narinig at nakita ni Dan at Nesty ang pag-uusap ni Lily at Berto dahil sa pisikal na kaanyuan ng gusali na tinitirhan ni Lily; 3.) kakulangan ng ebidensya sa antas ng prosecution para mapatunayan ang probable cause at 4.) hindi kapani-paniwala ang testimonya nina Binoy at Al dahil sa kawalan ng corroborating evidence.

Nag-file ng petition for certiorari si Domeng. Binaliktad at pinawalang bisa ng CA ang order ng RTC. Ayon sa CA mayroong probable cause laban kina Lily at Berto na nangangailangan ng paglilitis upang mailabas ang katotohanan sa likod ng testimonya ng mga testigo. Tama ba ang CA?

MALI. Ang unang trabaho ng presiding judge kapag ang im­pormasyon ay nai-file sa korte ay alamin kung mayroong probable cause para sa paghuli sa mga akusado. Ang probable cause ay lupon ng mga kato­toha­nan at sir­kumstansya na kapani-paniwala sa isang matinong tao na ang krimen ay nagawa ng taong dapat aares­tuhin. Sa pag-alam ng probable clause, titimbangin ng isang ordinaryong tao ang mga kato­tohanan at sirkumstansya nang hindi kumukunsulta sa rules of evidence dahil wala siyang kaala­man dito. Umaasa lamang siya sa common sense. Higit pa sa hinala ang hinihingi ng probable cause; ngunit ito’y menos na ebidensiya para sa konde­nasyon.

Sa kasong ito muling sinuri ng RTC ang mga record ng kaso at nagsagawa ng ma­layang ebal­wasyon ng ebi­densya na pinakita para alamin kung mayroon ngang probable cause. Pagkatapos ng ebal­wasyon ay walang nahanap na probable cause. Hindi rin niya inabuso ang kanyang discretion. Kailangang alamin ang probable cause upang sa umpisa pa lamang ay ma­ protektahan ang mga aku­sadong pinaratangan ng krimen (Santos and Bunda vs. Orda, Jr. G.R. 189402, May 6, 2010).

BERTO

BINOY

CAUSE

HULING BAHAGI

JR. G

LILY

PROBABLE

SABI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with