^

PSN Opinyon

'Pulis-Rambo! (1)'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NORMAL na sa BITAG ang makasama ang mga alagad ng batas sa lahat ng operasyon at kasong aming tinatrabaho.

Kabisado na namin kung paano sila kumilos at kung gumagawa sila ng tama sa kanilang trabaho, alam din namin kung reputasyon lamang at gawang palpak ang kanilang estilo.

Bilang mga alagad ng batas, mapa-pulis man o National Bureau of Investigation (NBI), military, panghim­papawid o pandagat, responsibilidad nilang lipulin ang masasamang elemento.

Subalit kung mga alagad ng batas mismo ang inirereklamo dahil sa kanyang kasamaan at pang-aabuso, kami mismo ang manghihimasok.

Isang kaso ng pang-aabuso ng isang pulis ang inilapit sa tanggapan ng “Wanted sa Radyo” ng kapatid kong si Raffy Tulfo.

Grupo ang nagrereklamo laban sa pulis na kanilang tinutukoy, iisa rin ang laman ng kanilang sumbong. Ang pulis daw na kanilang kapitbahay, ala-rambo.

Walang habas raw na nagpapaputok ng kanyang baril sa kanilang barangay. Kaya naman sunod-sunod ang mga nasugatan at namatay sa kanilang lugar.

Ang inirereklamong pulis, nakilalang si SPO2 Delfin Deudor ng Station 11 sa Galas, Quezon City.

Tinawagan ng BITAG ang mga opisyal ng Station 11 sa Galas, Quezon City kung ano ang naging aksiyon o resulta man lamang ng kanilang imbestigasyon sa reklamong ito.

Subalit nagkabuhol-buhol ang dila ng aming nakausap, masabi lamang na may tinrabaho sila sa kaso dahil ang kato­tohanan wala pa silang gina­gawa sa reklamo.

Kaya iniakyat ng “Wanted sa Radyo” at BITAG ang kasong ito sa National Capital Region Police Office upang maipatawag ang inire­reklamong pulis na si Deudor.

Subalit walang nagreport na SPO2 Deudor sa tangga­pan ng NCRPO, hindi ito hu­ma­rap sa amin, sa mga nagre­reklamo at sa kanyang opisyal na si Col. Rommel Miranda ng NCRPO-PIO.

DELFIN DEUDOR

DEUDOR

KANILANG

KAYA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

QUEZON CITY

RADYO

SHY

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with