^

PSN Opinyon

Oatmeal sa mukha: Siguradong gaganda ka!

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MAYROON akong nadiskubreng epektibo at murang paraan para magpaganda. Ito ay ang Oatmeal Face Mask. Pinapahid ang oatmeal sa mukha at parte ng katawan na magaspang. Puwede ito gamitin ng lahat, lalo na yung may dry skin, may eczema, o may tagihawat. Subukan ninyo ito sa bahay.

Ang mga sangkap ay (1) ¼ cup ng instant oatmeal; (2) 3 kutsara ng honey; (3) 2 kutsara ng tubig.

Ihanda ang oatmeal face mask: (1) Durugin muna ang oatmeal sa isang tadtaran o sa osterizer. (2) Ilagay ang honey sa oatmeal at haluin ito. (3) Lagyan ng konting mainit na tubig para maihalo ng maigi. Kailangan magmukhang pandikit ito. (4) Kung gusto n’yo, puwedeng initin ito ng bahagya sa microwave ng 10 segundo o sa kalan.

Pagpahid sa mukha: (1) Maghilamos muna ng mukha. Kailangan ay walang make-up o dumi sa iyong mukha. (2) Gumamit ng kutsara, brush o kamay para ilagay ang oatmeal mask sa buong mukha. Isali ang noo, ilong, ilalim ng mata, cheeks at baba. (3) Hayaan ito ng 10 to 20 minutes. Malamig at medyo titigas ang mask. (4) Pagkatapos ay dahan-dahang maghilamos ng maligamgam na tubig. Puwede ito ilagay bago maligo para isahan na ang paghugas. (5) Tuyuin ang mukha. Dahan-dahan lang.

Ngayon, tingnan ang mukha sa salamin. Hindi ba kuminis, lumambot at gumanda ang iyong kutis? Ang galing talaga.

Ano ba ang sekreto ng oatmeal-honey mask? Ang oatmeal ay ginagamit pa noong 2,000 B.C sa Egypt, tulad ni Cleopatra. Ang oatmeal ay aprubado rin ng U.S. FDA para sa paglunas ng dry skin at eczema (yung mga may pantal-pantal).

Ang oatmeal ay may 3 sangkap: (1) may polysaccharides para i-repair ang balat, (2) may oat protein para mag-moisturize ng kutis, at (3) may saponin na nagtatanggal ng dumi at mga dead skin cells sa muk-ha (tinatawag na exfoliation). Para ka nang nagpa-facial.

Ang honey naman ay nakatutulong sa may pimples dahil may panlaban ito sa bacteria at pamamaga (anti-inflammatory). May mga iba na naghahalo rin ng Plain Yoghurt sa sangkap na ito. Puwede rin subukan ito.

Kaya kung wala kayong pera magpa-derma, subukan ang oatmeal-honey face mask. Puwede ito gawin sa umaga at sa gabi, o kung kailangan mong magpa-beauty. Good luck po.

Dagdag tips: Iwas sa araw, alikabok at usok. Iwas din sa sigarilyo. Ito ang mga mabilis magpakulubot ng kutis. Maglagay din ng sunblock araw-araw.

ANO

DAGDAG

KAILANGAN

MUKHA

OATMEAL

OATMEAL FACE MASK

PARA

PLAIN YOGHURT

PUWEDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with