^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Aksiyunan ang power shortage

-

NOONG Lunes ay nakaranas na ng brownout sa Luzon, kabilang ang Metro Manila. Nasira ang tatlong coal-fired power plants – Calaca, Sual at Masinloc plants. At sabi, magkakaroon na ng rotating brownouts sa mga susunod na araw. Sabi ng Meralco, dalawang oras na mawawalan ng kuryente sa pagitan ng 10:00 a.m. at 10 p.m. Ang pagkukulang sa supply ng kuryente ay taliwas naman sa sinabi ng Energy department na may sapat na reserba bago matapos ang taon. Nang magkaroon ng brownout noong Lunes, nakatikim ng batikos si Energy secretary Angelo Reyes. At lalo pang lumalim ang batikos nang sabihin niyang kailangan na ng emergency powers ni President Arroyo para ma­resolba ang krisis sa enerhiya.

Hindi na kailangan ang emergency powers para masolusyunan ang nagsisimula nang krisis. Simple lamang ang paraan, gayahin ni President Arroyo ang ginawa ni President Ramos noong 1992 na kinontrata ang mga pribadong kompanya para magsuplay ng kuryente sa mga apektadong lugar. Gumamit ng power barges. At sa paraang iyon nagkaroon ng kuryente. Muling nagliwanag ang maraming lugar pagkaraan nang mahabang pana­ hong nakasadlak sa dilim. Nagsimula ang krisis sa enerhiya noong panahon ni President Aquino na halos walo hanggang 12 oras ang tinatagal ng brownout. Sa naisip ni Ramos, nasolusyunan ang pro­blema. May kamahalan nga lamang ang kuryente subalit mas mabuti na iyon kaysa walang ilaw. Unti-unti ay na-stabilized ang kuryente.

Maaaring gawin din ni Mrs. Arroyo ang paraang naisip ni Ramos. Kaya lamang, baka mabahiran na naman ng corruption kapag nagkaroon ng kontrata sa mga kompanyang magsusuplay ng kuryente. Ang administrasyong ito ay kilala na sa reputasyon nang pagiging corrupt. Mababanggit ang NBN/ZTE deal na na-scrap dahil sa kontrobersiya. Marami pang iba. Kung magkakaroon ng kontrata sa mga kompanyang magsusuplay ng enerhiya, dapat ay may transparency. Idaan sa malinis na proseso.

Aksiyunan ang power shortage bago pa lumala. Hindi dapat ipagwalambahala ang problemang ito   lalo pa’t malapit na ang election. Kauna-unahan pa namang idaraos ang automated election sa bansa. Kung walang kuryente, lalo sa Mindanao, posibleng maulit ang maruming election na batbat ng dayaan.

AKSIYUNAN

ANGELO REYES

CALACA

KURYENTE

METRO MANILA

MRS. ARROYO

PRESIDENT AQUINO

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENT RAMOS

RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with