^

PSN Opinyon

Sino ang tunay na maka-mahirap?

- Al G. Pedroche -

NAGHUHUNTAHAN kami ng barbero ko’ng si Mang Gustin. Usapang pulitika. Mainit na isyu ang bagong survey ng SWS. Lumiliit daw ang lamang ni Noynoy Aquino sa ka­tunggaling si Manny Villar. Matatag naman si dating Presidente Estrada sa pangatlong puwesto at ang pun­das­yong suporta ay nasa mga kababayan nating mahirap.

Ani Gustin, simula’t-sapul kasi’y iyan na ang linya: “Erap para sa mahirap.” Base sa mga survey, 19 hanggang 21 porsyento ng mga mahihirap ay matatag na pro-Erap. Sey ni Gustin “kaya siguro ipinipinta rin ni Nacionalista Party presidentiable – Sen. Manuel Villar ang sarili bilang dating mahirap. Pero bakit ngayon lang?” Dagdag ni Gustin “magpaka-orig ka naman Senador Villar!”

 Naging Kongresista nga naman si Villar at speaker of the house at naging senador at senate president pa pero hindi siya nagpakilalang dating mahirap at pro-poor. Kilala siya bilang matagumpay na negosyante sa real estate pero hindi bilang “rags-to-riches” guy. Naging batik pa sa kanya ngayon ang ’di maputul-putol na kontrobersya  sa C-5 road scam.

Bakit ngayon lang? Simple ang sagot kay Mang Gus-tin. Nagdudumilat na isyu kasi ang kahirapan. Hindi lang “abject” kundi “grinding” poverty, any Bro. Eddie Villanueva na pambato ng Bangon Pilipinas sa presidency. Sa lide­rato ni Presidente Arroyo, lalung sumahol ang kahirapan kahit sinasabing umunlad nang malaki ang ekonomiya. Kaya ang bagay na ito’y ikinataas ng kilay naman ni Bro. Eddie.

Buti pa si Sen. Noynoy Aquino at walang ipinama­maraling “mahirap” siya pa­ lib­hasa’y talaga namang nag­mula siya sa maya­mang ang­kan ng Cojuang­co. Hacien­dero at ubod nang yaman!    At least wala siyang gim-micks” tulad ni Villar. Basta’t ang linya   niya ay “ma­linis” at hindi “mag­na­nakaw.”

Sa kaso ni Gibo Teo­doro, matalino siya at tila may “k” pero nagiging pro­blema niya ngayon ay ang affiliation     niya sa par­tido ng isang Pa­ngulong hindi maganda ang iiwang imahe sa bayan. Sa­yang!

Kaya uulitin natin ang pa­nawagan na maging mata­li-no na tayo sa pagbili ng ibo­botong Pangulo. Basa­hin ang puso ng mga nag­pipri­sinta at tukuyin yung ina­akala nating sinsero. Dapat karapatdapat!

ANI GUSTIN

BANGON PILIPINAS

EDDIE VILLANUEVA

ERAP

GIBO TEO

NOYNOY AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with