^

PSN Opinyon

Tama na!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

GAANO pa katagal tayong magtitiis sa mga pahayag at drama ni Marlene Aguilar Pollard? Noong sinimulan ang paghahanp sa anak niyang si Jason Ivler na pangunahing suspek sa pagpatay kay Renato Ebarle Jr., nagdrama ito sa TV at hinikayat ang anak na sumuko na sa mga awto­ridad. Sa mga sumunod na panahon, kuntodo ang pag­tanggi na alam niya ang pinagtataguan ni Jason. Noong Disyembre, pasayaw-sayaw pa ito sa isang bar na tila walang iniintinding problema sa mundo. Pero noong nakaraang Lunes, nakita sa wakas si Jason na nakatira lang sa bahay ni Aguilar at Stephen Pollard sa Blue Ridge, QC. Nakipagbarilan ang anak sa mga NBI, natamaan ng apat na beses, dinala sa ospital. Tuloy pa rin ang drama ni Marlene Aguilar sa pamamagitan ng mga pantasti-   kong pahayag ukol sa kanyang anak.

Di raw niya alam na sa bahay niya nakatira si Jason itong nakaraang dalawang buwan! Special forces daw ito kaya kayang-kaya niya lumabas-pasok sa isang bahay nang hindi napapansin. Ganun kagaling si Jason ayon sa kanyang ina. Kaya tutulong na raw ang US embassy sa kaso nila dahil nagsilbi siya para sa Ame-rika nang madestino sa Iraq. Wow! Mapapalaya na yata si Jason!

At ngayon, ayaw naman daw saktan ni Jason ang     mga operatibo ng NBI, kaya ganun-ganun lang daw ang pag­putok niya ng baril. Gusto lang daw niyang takutin. Ah, baka nga naman mag-alisan na lang ang mga NBI dahil may baril pala siya. Para na niyang sinabi na kung gusto niyang patayin ang mga NBI, mapapatay niya sila nang nakapikit! At ngayon, iba raw ang pumatay sa      anak ni Ebarle Sr. Yung bodyguard daw niyang Ingles na may pahintulot na gamitin ang sasakyan at baril ni Jason! Kalbo rin daw. Kaya mag-iingat na siguro lahat ng kalbo at baka mapagbintangan ni Marlene Aguilar na    kayo ang tunay na gumawa ng krimen!

Haaaay naku. Ganun nga siguro kapag wala nang lusot, kahit ano na lang ang sasbihin. Kung wala palang kasalanan, bakit nagtago? Kung may suspek na Ingles, bakit ngayon lang lumalabas ang kuwentong ito? Bakit tumpak ang ballistics ng baril na pag-aari ni Jason doon sa ginamit sa pagpatay kay Ebarle? Bakit siya may baril? Baka pwedeng i-gag order na si Marlene Aguilar, at kasuhan na lang silang lahat para sa korte na lang mag­paliwanag! Napakahirap nang pakinggan at panoorin sa balita ang mga pahayag at drama nito! Pati na yung Stephen Pollard na hanggang ngayon ay wala pang pahayag ang ADB ukol sa kanilang empleyadong ka-sama sa pagkanlong kay Jason!

vuukle comment

BAKIT

BLUE RIDGE

EBARLE SR. YUNG

GANUN

JASON

LANG

MARLENE AGUILAR

STEPHEN POLLARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with