^

PSN Opinyon

Modus ng Rizal PSOG, hulidap at palit-puri!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PALIT-PURI, eto ang estilo ni Maj. Aristone Dogue, hepe ng Rizal Police Special Operations Group (PSOG) sa Taytay, Hilltop.

Ayon ito sa mga dating police asset ng nasabing depar­tamento na nagpakita sa BITAG matapos makarating sa kanila ang pagpunta ng aming grupo sa Hilltop Police kamakailan.

Talaga raw walanghiya at puro katarantaduhan ang gawain ni Dogue at mga tauhan nito sa PSOG. Sila raw ang pasimuno ng Hulidap (Huli at Holdap) sa mga ino­senteng biktima.

At ang tinatawag na “palit-puri” nangyayari kapag ang kanilang huling biktima ay walang pambayad na     pera kapalit ng kalayaan.

Ang asawa nito o kapatid na babae ang magiging pantubos makalabas lamang ang hinuling biktima. Diretso sa kuwarto ni Maj. Dogue ang usapan.

Ang sumbong na nakarating sa BITAG nitong nag-da­ang linggo ang muling bumulabog sa kampo ng Rizal Provincial Police sa Taytay.

Ikalawang sumbong ito ng hulidap at panggagahasa sa asawa ng mga bastos na pulis sa Hilltop.

Hindi nagawang iharap sa amin ni Col. Jonathan Miano, ang bagong upong Provincial Director ng Rizal ang aming target na si Maj. Dogue, kasalukuyang floating raw ito at wala pang hawak na departamento.

Subalit ayon sa asset, bago pa man kami dumating   sa Hilltop Police, nangangatog na tumakas na raw si   Dogue sa likuran ng kampo.

Nabahag raw ang buntot ng manyak na lespu na humarap sa BITAG dahil mapapahiya raw siya sa harap ng aming camera katulad noong mga naunang pulis Hilltop na kinumpronta na-min.

Pinatotohanan pa ng po­lice asset ang pangya­-yaring isinumbong sa amin    ng ginang hinggil sa pang­gagahasa sa kaniya ng pulis na si Dogue.

Sa kasalukuyan, patu-loy na nagtatago si Do- gue. Hindi man siya maka­harap ng BITAG sa nga-yon, sisiguraduhin na-   ming mahuhulog din ito sa aming patibong.

Lalo ngayong alam na namin ang kaniyang mga kilos at galaw.

Inaasahan rin ng BI-TAG na dadami at magla­labasan ang mga rekla­mong da­dating sa aming tanggapan matapos naming maipalabas sa aming programa ang kasong ito.

Tutulong na rin ang mga lead agencies na aming nilapitan para mabigyang katarungan ang mga bikti­ma at maparusahan si Do­gue at iba pang pulis sa Hilltop na pasimuno ng krimen.

 Abangan.

AMING

ARISTONE DOGUE

DOGUE

HILLTOP POLICE

JONATHAN MIANO

MAJ

PROVINCIAL DIRECTOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with