^

PSN Opinyon

Unforgiveable

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

KARANIWAN nang tanawin sa mga mall at hotel ang mga bomb sniffing K9 security units na tambalan ng aso at kanilang handlers. Mahal din ang price tag nito subalit kung ito ang kailangan upang mapanatag ang loob ng mga parokyanong gumagastos, siempre bayad agad. Tayo namang inosenteng publiko ay unti unting nasasa­nay na makita at makatabi ang mga K9 dogs, kahit pa yung mga attack dogs tulad ng German Shepherd at Belgian Malinois. Hindi naman aarkila ang mga higanteng International Hotel Chain at mga Retail Chain Magnates ng mga pipitsuging ahensyang gagamit ng askal (asong kalye). At bakit naman tayo iiwas kung nandyan nga naman ang mga aso para sa ating kaligtasan.

Ito siguro ang inakala ni Jose Andres Diaz nang    mag­pasyal silang magpamilya sa Maxim’s Hotel and Casino sa harap ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nung Linggo. Ano na nga ba ang ka­sabihan? Maraming namamatay sa maling akala. Parang ganito na rin ang nangyari sa pamilya ni Mr. Diaz nang biglang sinakmal ng K9 Belgian Malinois ang kanyang walang kalaban-laban na 8 year old na anak. Mabuti na lang talaga at nasagip ang pobreng bata sa mas masahol pang pinsala.

Bakit hindi naawat ng handler ang kanyang K9 partner? Sa imbestigasyon, nabuko na ito’y nakikipag-kuwen­tuhan sa kapwa sekyu nang maganap ang insidente. Pero kaila­ngan pa bang mag-imbestiga kung bakit ang isang mabangis na aso ay nangagat? To ask the question is to answer it.

Ang insidenteng ito’y dapat magsilbing mitsa sa mas maingat na regulasyon ng K9 security units. Sa May­nila matagal nang may ordinansa na bawal mag­labas ng asong hindi na­kabusal. Sabihin mo nang “trained” ang aso mo eh bakit naman isasapalaran ang kalig­tasan ng kapwa dahil lang kampante kang hindi ma­ngangagat ang alaga mo? Natural sa aso, lalo na ang mga attack dog, na manga­gat. Ang nang-yari sa baby ni Mr. Diaz   ang pinakama­linaw na pruweba. Kung sisinghot lang sila ng bom­ba, bakit hindi na lang bu­salan para iwas dis­grasya?

Walang kapatawaran ang MAXIM’S HOTEL sa tinamong trauma at pin- sala ng bata. Lahat ng may kina­laman sa paggamit      ng K9 unit na yan ay dapat lang na managot sa batas.

MAXIM’s HOTEL GRADE: 1 MILLION (in damages)

BELGIAN MALINOIS

GERMAN SHEPHERD

INTERNATIONAL HOTEL CHAIN

JOSE ANDRES DIAZ

MR. DIAZ

NANG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with