^

PSN Opinyon

'Baby doll'

- Tony Calvento -

 (Unang bahagi)

Ang babaeng nasa murang edad at may kapansanan sa pag-iisip ay parang mga kristal na babasagin na dapat ingatan. Lalung-lalo na kapag ang mga ito’y maganda.

Ang istoryang tampok namin ngayong araw na ito ang tungkol kay Trina (di tunay na pangalan) isang special child na nag-aaral sa isang eskwelahan, Special Child Education School. Si Trina ay 15-anyos lang.

Unang ipinarating ang masaklap na nangyari kay Trina sa amin ng kanyang ‘Step-grand father’. Si Efren Palad, 55 taong gulang taga Pasig City.

Dating Army si Efren at ayon sa kanya siya’y nag-absence without leave (AWOL).

Mahigit tatlong dekada ng magkasama si Efren at si Anita Estacio. Kasal sa unang asawa itong si Anita kaya’t di na nila tinangkang magpakasal pa. Ang importante nag-iibigan sila at tumatagal ang kanilang pagsasama.

Labing limang taon na si Trina subalit ang kanyang pag-iisip ay matutulad sa isang 10 taong gulang. Kung magsalita siya’y paputul-putol.

Masayahin, palangiti na parang ‘baby doll’ si Trina. Aakalain mong wala siyang pinagdaanang nakakabangungot na karanasan sa kamay ng mga mapagsamantalang “Manyakis(?)” na namantala sa kanyang kahinaan at kalagayan.

Hunyo 19, 2009 may mga dumating na bisita sa bahay nila Efren. Inutusan niya si Trina na bumili ng ‘coke’ pagbalik nito ‘hope’ ang dala-dala.

Ganito ang ‘comprehension level’ ni Trina na dapat unawain at pangalagaan.

Habang abala ang lahat sa bahay walang nakapansin umano na lumabas si Trina. Nagpunta siya sa plaza upang katagpuin ang kanyang pinsang si Christian.

Habang nag-aantay siya may lumapit umanong lalaki na nagpakilalang si Lemuel Lapad Potoy maitim, kalbo na may malaking balat sa mukha. May motorsiklo ito at higit na mas matanda sa batang si Trina.

Niyaya siya nitong gumala at dahil bihira itong si Trina na mamasyal na nakasakay sa motor mabilis naman na-uto ni Lemuel si Trina na sumama sa kanya.

Masaya si Trina na madama ang hangin na tumama sa makinis niyang mukha at inililipad ang kanyang mahabang buhok. Hindi nagtagal lumabas ang tunay na balak ng taong ito.

Ipinasok umano siya sa isang motel at sinabihan siyang “Magpahinga tayo dito, malamig dito may aircon… masarap dito.”

“Ayoko hinahanap na ako sa amin baka pagalitan ako,” sagot ni Trina.

Napilit niya umano itong pumasok sa motel at nang nandun na naging sunod sunuran nalang ang kaawang-awang si Trina sa lahat ng kagustuhan nitong si Lemuel.

“Isa-isang tinanggal ni Lemuel ang suot ko, hinalikan niya ang labi ko papunta sa aking leeg hanggang dibdib. Hinalikan niya ang tiyan ko… pati ang aking ari.

Nanginginig-nginig pa ang kanyang katawan at naramdaman kong may biglang pumasok sa ari ko. Napasigaw ako’t nagma­kaawa sa kanya,” pagsasalarawan ni Trina.

Paputul-putol na kinuwento ni Trina na pagkatapos ni Lemeul ay nagpahinga muna ito. Ayon sa kanya, pinanood siya ng isang ‘bold’ na ‘tape’. Kahit anung pakiusap ni Trina na iuwi na siya di siya umano pinakinggan ni Lemuel.

Hindi pa natatapos ang bold na pinanonood ni Lemuel pinatungan na naman niya umano itong si Trina at muling ginahasa.

Sa sobrang pagod at sakit ng katawan nakatulog si Trina ng saglit. Ginising siya ni Lemuel at sinabihang “magbihis ka uuwi na tayo,”.

Umangkas muli si Trina sa motor ni Lemuel at huminto ito sa labas ng isang ‘fast-food restaurant’ at bumili ng pagkain.

“Binili niya ko ng isang pirasong chicken at rice pagkatapos dinala niya ko sa bahay ng kanyang kaibigan at sinabing layas daw ako. Di naman ako layas!” parang batang sinambit ni Trina.

Ang tinutukoy na kaibigan ay kinilalang si Cesar Maglipon Jr. at ang kanyang asawang si Ma. Catherine Chavez.

Tatlong araw umano siyang kinasama nitong si Lemuel sa bahay nila Cesar sa San Joaquin ayon kay Trina.

Habang nandun si Trina sa bahay na iyon, naulit umano ang panggagahasa sa kanya nitong si Lemuel.

Ayon kay Trina paalis daw si Lemuel at papunta sa probinsya kaya’t sinabihan siya nitong umuwi na.

Tinulungan siyang itext ang kanyang pinsan, pamangkin ng kanyang tatay na si Mark. Upang magkita at sunduin siya.

Binigyan umano siya ng Php600 ni Lemuel at pinahatid siya ni Cesar sa kaibigan nitong si Nilo sa Pasig Catholic Church.

Nang magkita sila ni Mark sa simbahan galit daw ito sa kanya. Sinisisi siya kung bakit siya sumama sa mga lalaking di naman niya lubusang kilala.

Sumama na siya kay Mark subalit kinakabahan si Trina kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang pamilya kapag siya’y kanilang makita.

Natatakot din siyang ikwento ang kanyang pinagdaanan sa kamay ni Lemuel baka hindi siya maintindihan ng mga ito at paluin siya ng kanyang lolo.

Hindi dito nagtatapos ang hirap na pinagdaanan nitong si Trina, mas maaawa kayo sa batang ito kapag nadinig n’yo ang kanyang buong salaysay tungkol sa mga nangyari sa kanya nung limang araw na nawalay siya sa piling ng kanyang pamilya.

ABANGAN ang karugtong ng seryeng ito sa LUNES, EKSKLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Para sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Email address: [email protected]

vuukle comment

EFREN

HABANG

ISANG

KANYANG

LEMUEL

SIYA

TRINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with