^

PSN Opinyon

Salakayin, sindikato sa Fontana casino

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

LUMALAKI ang kaso ni Lee Won Lou Steve, ang Singa­porean national na kinidnap ng mga sindikato sa Fontana casino sa Clark, Pampanga. Ang huling balita ko, dumulog ang abogado ni Lee sa Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) sa Camp Crame para pakialaman ang pagkawala ng biktima. Si Lee ay nawawala pa hanggang sa ngayon matapos imbitahan sa bansa ng sindikato ng mga Intsik sa likod ng malakihang dayaan sa Fontana. Alam ‘yan nina Benito Sy at Kim Wong. Kaya ang PACER ay kumikilos na para hanapin si Lee, na ang pamilya sa abroad ay nag-aalala na sa kanyang kalig­tasan. Dapat imbitahan ng PACER sina Benito Sy at Kim Wong at baka may alam sila sa pagkawala ni Lee. Malapit nang mabuko ang raket ng mga mandarambong na Intsik sa Fontana. ‘Yan ay kung pursigido ang PNP na sibakin sila.

Angkop sa kanilang modus operandi, inimbitahan ng sindikato si Lee na maglaro sa Fontana noong nakaraang buwan. Siyempre, binigyan si Lee ng open line credit na P20 milyon. At habang nawiwili si Lee sa pagka-casino, hindi niya namalayan na lumalaki na ang pagkakautang niya sa sindikato. Nang mahimasmasan si Lee, P8 milyon na ang utang niya. At huli na para talikuran niya ang sindikato.

Siyempre, hindi pinayagan ng sindikato si Lee na umalis para maghanap ng perang pambayad sa pagka­kautang niya. Tumawag si Lee sa pamilya niya sa Singa­pore at nakakalap naman ang mga ito ng P1 milyon na ibinigay sa sindikato. Kahit napasakamay na nila ang P1 milyon, hindi pa rin pinalaya ng sindikato si Lee. Kaya habang lumilipas ang mga araw, hindi batid ng pamilya ni Lee kung pakakawalan pa siya ng sindikato. Kaya’t minabuti nilang kumuha ng abogado na dumulog naman sa PACER para patugain ang sindikato ukol sa kaso ni Lee. Kung sabagay, maliwanag na kidnapping ang ka-song dapat ipataw sa sindikato sa Fontana, di ba mga suki? Ano ba ‘yan?

May nakapagsabi naman sa akin na ang kaso ni Lee ay nahawakan na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame. At lima sa suspects, kasama sina Benito Sy at Kim Wong, ay nakasuhan na ng kidnapping sa Department of Justice (DOJ). Kaya dapat din sigurong makipag-coordinate ang PACER sa CIDG para magkaroon nang malawakang kampanya sa sindikato ng mga Intsik na sumisira sa imahe ng ating bansa. Kung tukoy na ng CIDG ang kinaroroonan ni Lee, dapat salakayin na nila ito para iligtas siya sa kapa­hamakan.

BENITO SY

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

FONTANA

INTSIK

KAYA

KIM WONG

LEE

SINDIKATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with