^

PSN Opinyon

Sakuna sinamantala ng pulitikong 'trapo'

SAPOL - Jarius Bondoc -

NAGING isyu ang pamimigay ng mga “presidentiable” ng relief goods na may pagkalaki-laking pangalan at litrato nila. Anang mga suklam sa “trapo” (traditional politico), ginagamit ng mga tatakbo sa pagka-presidente ang sakuna ng Storm Ondoy para magpalapad ng papel sa botante. Nais daw ng kandidato na magka-utang na loob sa kanila ang mga nasalanta o kaya’y matandaan ang “kabutihang loob” nila, para iboto sa Mayo 2010. May mga nagpayo na tanggapin ang tulong pero ibasura ang nanggagamit na politiko. Meron ding nagsabing kasuhan dapat sila ng electioneering. At may umikot pang survey sa Internet kung tama ba ang asal nila.

Para sa akin, simple lang ang sagot. Kung tutulong ka, itotodo mo ito nang walang kapalit. May kasabihan sa Uropa: Pagpalain nawa ang tumulong pero hindi nagtanda, at ang tinulungan pero hindi lumimot. At ani pilantropong R.G. LeTourneau, “Kung tutulong ka para makinabang, wala itong pakinabang,” Walang modo’t makapal ang mukha ng taong nagbibigay para lang pasikatin ang sarili.

Kasuklam-suklam din ang iniasal ng Arroyo admin sa gitna ng relief efforts dahil sa salanta ni Storm Ondoy. Binatikos ng Malacañang ang mga komentarista na pumuna sa kabagalan ng admin sa pagtulong. Kesyo raw wala munang dapat pulitika at magkapit-bisig sa pag-relief. Pero kasabay noon ay ipinuslit ng admin ang dalawang kilos-politika. Una, ipinabasura sa mga alipores sa Kamara ang impeachment case laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na kaklase ni Mike Arroyo sa law school. Ikalawa, ipinabasura sa mga ali­ pores sa Comelec ang kaso ng Lakas originals laban sa Lakas-Kampi merger. Itinaon nilang walang papalag dahil abala lahat sa pagtu­long sa mga nasalanta. Balik-harap tala­ga ang admin.

At pinag-ibayo pa ang ad ni “vice presidentiable” Ronnie Puno na “DILG ay tahimik na nagtatrabaho, kaya marami kaming na-ga­gawa.” Kung totoong ta­hi­­mik siya, bakit guma-gas­ta ang “Friends of Ronnie Puno” ng milyon-milyong piso para i-brodkast ang pi­naggagagawa niya?

vuukle comment

ANANG

FRIENDS OF RONNIE PUNO

MIKE ARROYO

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

RONNIE PUNO

SHY

STORM ONDOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with