^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa mga herbal food supplement

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

DUMARAMI ang food supplements partikular ang mga herbal na naglalabasan ngayon sa merkado.

Ilan sa mga ito, gumagamit pa ng television infomer­cials ng mga kilalang personalidad na ineendorso ang mga nasabing herbal food supplement.

Ang nakakatawa pa rito, may isang infomercial, isang doktor ang nagpagamit sa pag-endorso nitong mala-damong herbal na hinahalo sa tubig at iniinom.

Malamang hindi ito alam ng Philippine Medical Association (PMA) na nauna nang nagpalabas na nagba­bawal sa mga doctor na mag-endorso ng anumang medi­sina, bitamina o food supplement.

Nababahala na rin ang Department of Health sa mga pahayag na may halong panlilinlang ng mga food sup-plement sa kanilang mga advertisement sa telebisyon, diyaryo, radyo at mga billboard.

Naniniwala ang kolum na ito, na panahon nang higpi­tan ng DOH sa pamamagitan ng Bureau of Food and Drugs ang mga pahayag o “claims” ng nasabing mga herbal food supplement manufacturers.

Hindi sapat ‘yong nakasulat lang na “No Approved Therapeutic Claim” dahil ginagamit lang nila ito bilang burloloy na nakatatak lang sa kanilang mga produkto.

Ang dapat atupagin ng BFAD sa ilalim ng DOH ay kung totoo ang mga pinagsasabi nitong mga bayarang endorser na sumusunod lang sa layaw nitong mga food supplement manufacturers.

Subalit kung totoo nga na nagbibigay lunas o nagpa-pa­galing sa mga gumagamit ang nasabing food supplement, walang problema kung nakakatulong talaga.

Ang dapat sa mga infomercial ay totoong testimonya ng mga gumagamit na na­bigyan ng lunas at umigi sa kanilang anumang ka­ram­ daman. WALANG BA­YAD, natutuwa at nagpapa­salamat lang dahil sa pag­babago na kanilang nara­ramdaman.

Dapat higpitan na ng DOH at BFAD ang kanilang kam­panya laban sa mga panlo­loko’t panlilinlang ng mga food at herbal supplement manufacturers na ta­lamak nga­yon sa mer­kado.

Alamin, usisain at suriin ang bawat advertisement at infomercials na naglala­basan ngayon sa media. Ilan sa mga ito, panlilinlang at mga kasinu­ngalingan.

Maging wais, ‘wag palo­loko sa mga advertisement at infomercial na mga ito. Mag-ingat, mag-ingat!

ALAMIN

DAPAT

DEPARTMENT OF HEALTH

FOOD

ILAN

NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIM

PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with