^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dapat noon pa kumilos at naghigpit ang LTO

-

NGAYON na lamang kumikilos ang Land Transportation Office (LTO) para maputulan ng sungay ang mga sutil na bus drivers na sangkot sa mga malalagim na aksidente. Isa sa mga gina­gawa nila ay ang pagbibigay ng exam sa mga dri­ver. Karamihan daw kasi sa mga driver ay walang ganap na kaalaman sa pagmamaneho.

At natuklasan, sa isinagawang exam ng Land Transportation Office (LTO) sa 82 bus drivers noong Biyernes, 34 ang bumagsak. Ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng exam ang LTO sa bus drivers at sabi, ang isusunod na isasalang sa exam ay mga jeepney at taxi drivers.

Ang pagsasailalim sa exam ng bus drivers ay kaugnay ng mga sunud-sunod na aksidenteng kinasangkutan ng mga bus particular ang Jell Transit na bumibiyahe sa EDSA. Napakarami nang aksidente ang kinasangkutan ng nasabing bus na ang pinakahuli ay nang masagasaan ang mag-ina habang naghihintay sa tapat ng Camp Crame. Namatay ang bata habang ang ina ay naputulan ng braso. Sinuspinde ng LTFRB ang prankisa ng Jell pero ayon sa report, bumibiyahe na rin daw ang mga bus. Kung totoo ito, nasaan ang sinasabi ng LTO at LTFRB na maghihigpit na sila?

Maraming driver ang kulang sa kaalaman sa pagmamaneho at ito ang itinuturing na dahilan kung bakit maraming aksidenteng nagaganap. Bakit naman nakakuha ng lisensiya ang driver   kung wala pala silang ganap na kaalaman? Ito ang dapat sagutin ng LTO. Nakikita ang korupsiyon sa puntong ito. Maraming driver ang hindi talaga du­maan sa actual na drive testing nang kumukuha ng lisensiya. Natapalan na ng pera ang mga tiwali sa LTO. Maraming fixer sa LTO na gumagawa ng pa­raan para makakuha ng lisensiya kahit ang mga bopol na hindi alam ang mga traffic signs at kung anu-ano pang dapat sundin ng driver.

Ngayon na lamang kumikilos ang LTO para ma­pigilan ang dumaraming bilang ng aksidente. Huli man, puwede na rin. Idagdag sa pagkilos ang pag­sugpo sa katiwalian sa kanilang bakuran.

vuukle comment

BAKIT

BIYERNES

BUS

CAMP CRAME

JELL TRANSIT

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

MARAMING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with