^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagkilos ng gobyerno laban sa pagkagutom

-

ILANG araw makaraang pumutok ang magastos na hapunan nina President Arroyo sa Le Cirque Restaurant sa New York, lumikha ang gobyer­no ng task forces para labanan ang pagkagutom na nararanasan ng mamamayan sa maraming lugar  sa bansa. Ang pagkilos ay maaaring sagot din sa nai­report na surbey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na pagdami ng mga nakararanas ng pagkagutom sa second quarter (Abril, Mayo, Hunyo 2009). Ayon sa SWS, 20.3 percent ang naka­ranas ng pagkagutom kumpara sa 15.5 percent noong Enero, Pebrero at Marso.

Para mapabilis ang paglutas sa nararanasang pagkagutom ng mamamayan, inisyu ng presidente ang Executive Order 825 kung saan, magtatayo ng regional at provincial anti-hunger task forces. Ito ay para masiguro na mapapabilis at mapapa-improve ang implementasyon ng programa sa paglu­tas sa nararanasang pagkagutom ng mamamayan. Ang programa ay para sa buong bansa at pama­mahalaan ng Department of Health.

Sa programa, hindi lamang ang pagkakaloob ng makakain ang sakop kundi pati na rin ang pagbibi­gay ng pera sa pamamagitan ng subsidies, pagtu­turo sa mamamayan ng natural family planning at ang tamang nutrisyon. Sinabi ng gobyerno na 2007 pa ito sinimu­ lan at 29 Anti-Hunger Task Forces ang namamahala sa programang ito. Binanggit din ang food-for-school program na hanggang ngayon ay isinasagawa.

Nilalabanan naman pala ng gobyerno ang pagka­gutom sa bansa. May task forces pang kumikilos para maisagawa ang programa. Ang tanong ay bakit marami pa rin ang dumadaing na hindi sila kuma­kain. Bakit marami pa rin ang nalilipasan ng gutom? Hindi na nagkaroon nang positibong resulta ang mga survey at lagi nang ang kagutuman ang nama­ma­yani. Maaari kayang hindi naipatutupad nang maa­yos at may sistema ang pagkakaloob ng mga pag­kain sa mga nagdarahop. O ang mga sinasabing pag-aksiyon ng gobyerno ukol sa nararanasang pag­kagu­tom ay “drowing” lamang kaya hindi maram­daman ng mga maliliit na bituka ang sinasabing grasya.

Nasasaktan ang Malacañang sa walang tigil na pag­batikos sa masaganang hapunan sa Le Cirque Restaurant sapagkat wala naman daw katotohanan. Pinalalaki lamang daw ng media ang isyu. Ang media ay taga-report lamang ng mga nangyayari — nirereport ang mga nagugutom at ganoon din ang mga nagpapakabusog nang sobra-sobra.

ABRIL

ANTI-HUNGER TASK FORCES

DEPARTMENT OF HEALTH

EXECUTIVE ORDER

LE CIRQUE RESTAURANT

NEW YORK

PRESIDENT ARROYO

SHY

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with