^

PSN Opinyon

Panawagan kay Gen. Verzosa (1)

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SA ngayon, sa halip makulong at maparusahan ang  mga kriminal, nakakawala pa sa kamay ng batas. Ito ay dahil sa pakikialam ng ilang opisyal ng PNP. Ganyan ang kalakaran ngayon sa PNP sa bansa. Ang masakit, nalala­gay sa balag ng alanganin ang mga pulis na umaresto. Tinatawagan ko si PNP chief Jesus Verzosa na kumilos para mapigilan ang sistemang sumisira sa kanilang ima-he. Hindi ko sinisisi ang district directors dahil sa totoo     lang wala silang alam sa ganitong kalakaran dahil itinatago ng mga opisyal ang dungis sa kanilang mga unit. Kaya oras na pumutok ito sa media tiyak na parang bulkang sumabog na hahantong sa sibakan sa puwesto, hehehe!

Ngunit sino ba ang masisibak, ang mga buhong bang opisyales? Hindi po, dahil ang unang tatamaan ng parusa ay ang may mga mababang ranggong pulis dahil wala silang magagawa kung isasakripisyo sila ng mga duhapang na opisyales. Get n’yo mga suki?

Katulad noong June 27 dakong 7:30 ng gabi, sinalakay ng mga tauhan ng Manila Police District- District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ang Maning’s drugstore sa kanto ng T. Alonzo at Soler Sts., Binondo, Manila. Sandamukal na fake Viagra ang nakumpiska sa Intsik na nakilalang si Jimmy Chua kaya agad dinala ang mga ito sa kanilang opisina, subalit hindi pa man umiinit ang puwet ng Intsik sa himpilan ng pulis, sangkaterba na ang pumapadrino.

Siyempre nagmatigas ang mga arresting officer ng DPIOU dahil buong akala nila matabang isda na ang kanilang nalambat na magdadala sa kanila para maka­tanggap ng commendation sa PNP, hehehe!

Nagkamali sila dahil iyon ang daan para sila matapon sa kangkungan. Sinibak silang lahat na umaresto kay Chua. Paano nangyari iyon?

Ayon sa aking espiya, lumutang umano ang isang police major ng MPD-Station 11 at sinabihan silang i-release ang suspek dahil alam na ito ni Manila Mayor Alfre-do Lim, Caloy Baltazar, Tony Duda at Col. Jalili.

(Abangan ang karugtong sa Martes)

 

vuukle comment

CALOY BALTAZAR

DAHIL

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPERATION UNIT

INTSIK

JESUS VERZOSA

JIMMY CHUA

MANILA MAYOR ALFRE

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with