^

PSN Opinyon

Number 1 ang DZRH!

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

KUNG gusto mong malaman ang pinakamainit na ba-lita at pinakabagong pangyayari, saan ka pupunta? Sa radyo, ang sagot. Iba talaga ang pagiging personal at bilis ng radyo. At ang paborito kong radio station ay ang DZRH, 666 sa AM.

Kahit noong nasa kolehiyo pa ako, noong 1980s, lagi akong nakikinig sa DZRH. Kasama ko ang DZRH sa gitna ng aking pag-aaral.

Naaaliw ako sa mga radio drama ng DZRH. Minsan nakakatawa at minsan nakakabagbag-damdamin. Pero laging may mabuting aral na matututunan. Kaya kahit nag-iisa ka sa buhay ay parang may kaibigan ka na sa ere, ang DZRH.

Joe Taruc: Ang boses ng DZRH

Noong 1986, lagi akong nakatutok sa boses ng Veteran Broadcaster Mr. Joe Taruc. Kahit sa boses lang ay ang pakiwari ko ay mabait si Sir Joe. Positibo siyang mag-komentaryo. Hindi nang-iinis o nang-aasar. Laging mabait, may puso at inaalala ang kapakanan ng ibang tao. Ganyan ang tunay na radio broadcaster.

Bukod kay Manong Joe Taruc, nandiyan din ang mga magagaling at tanyag na mga broadcaster tulad nina     Deo “Lakay” Macalma, Andy Vital, Ruth “Pangga” Abao at Rey Sibayan. Lahat ng presidente, pulitiko at celebrity ay na-interview na siguro ng DZRH.

Number 1 ang DZRH

Ngayong Hulyo 2009 ay ipinagdiriwang ng DZRH ang kanilang 70 taon sa ere! Wala pang ibang station ang umabot ng ganitong katagal sa ere.

At sa kanilang 70 anibersaryo ay number 1 pa rin ang DZRH sa ratings at sa tiwala ng taong bayan. Kahit marami nang radio stations ay wala pa ring makapantay sa DZRH.

Napakalaki rin ang naitu­tulong ng DZRH sa larangan ng public service. Lalo na sa mga ilang dekadang pag-ho-host ni Tiya Dely Magpayo, napakaraming mahihirap ang natulungan ng DZRH.

Sa pamamagitan ng Operation Tulong ng DZRH, ma­raming buhay ang kanilang napasaya at napahaba. May humihingi ng tulong, libreng gamot, at libreng operasyon pa. Marahil ito’y dahil alam ng publiko na tunay na nagse­ser­­bisyo ang DZRH, kaya na­nanatili ang kanilang tiwala at pagtutok ng ating kababayan.

Kaya kung gusto mong ma­­kinig ng balita o mag-relaks at makinig ng drama, mag-DZRH na!

ANDY VITAL

DZRH

JOE TARUC

KAHIT

KAYA

MANONG JOE TARUC

MR. JOE TARUC

NGAYONG HULYO

OPERATION TULONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with