ERRATUM!
HUMIHINGI ng depensa ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa madlang people na nakabasa ng ating kolum last Thursday hinggil sa 45th BIRTHDAY ni Secretary of National depend este mali Defense pala Atty. Gilbert ‘GIBO’ Teodoro dahil nagkaroon ng typographical error sa nasabing petsa imbes na June 13, 2009 nai-sulat ito ng June 13, 2005.
Sabi nga, tanga.
Anyway, today ang BIRTHDAY ni SND GILBERT ‘GIBO’ TEODORO.
HAPPY BIRTHDAY at Mabuhay ka. Mr. Honorable!
Katulisan sa MPD Station 9
HINDI naman iniuutos ni Chief PNP Jesus Ame Verzosa, na maging ‘machong lespu’ ang mga kasapi ng Philippine National Police sa buong Philippines my Philippines basta ang sabi niya kailangan maging maayos ang kalusugan para maging handa ang mga ito sa anuman maaring mangyari krimen sa kanilang jurisdiction.
Sabi nga, peace and order!
Kaya lang iba si Supt. Ferdinand Quirante, pepe este mali Hepe pala ng MPD station 9 dahil ang inaatupag daw nito ay ang pagpa-palaka este mali palaki pala ng muscle kaya madalas umano ito sa gym.
Ika nga, muscle man.
Totoo kaya ito?
Kaya naman ang mga bugok na mga lespiak dyan sa Station 9 ay nagpi-piste este pista pala dahil napapabayaan silang madisiplina sa mga kagaguhan nila dahil ang kanilang amo ay busy umano sa pagpapalaki ng et-et este mali wangkata pala. Paging, CPNP Jesus Ame Verzosa and MPD bossing Rudy Matibag, isali ninyo kaya ito sa palakihan ng body ? Hehehe !
Alam ba sa higher headquarter ng PNP, na grabe as in grabe ang nangyayari dyan sa jurisdiction ni Florante at Laura este mali Quirante pala kasi nga ang hablutan blues, nakawan, bukas-kotse gang, donut gang, prosti at ativan gang at kung anu-ano pang kriminalidad na nakakaperwisyo sa madlang people na nagpupunta ng Harrison Plaza ay matindi.
Sabi nga, nakakatakot!
Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, si William Depasupil, ng Manila Times, tinira pala ang kanyang laptop sa loob ng tsikot matapos basagin ang salamin ng tsikot ng iparada niya ito para bumili ng gamot sa Mercury.
Ang pinaradahan ni William ng kanyang tsikot ay ilang hakbang lamang ang layo sa MPD Station 9. Take note, CPNP Jesus Ame Verzosa at MPD Chief Rudy Magtibay, Sirs!
Nalaman lamang ni William na basag ang salamin ng kanyang tsikot ng nasa highway na siya going to Laguna dahil sa pangyayari nakita niya na pinitik na ang kanyang laptop.
Sabi nga, kawawang William!
Alam mo ba CPNP Jesus Ame Verzosa at MPD Chief Rudy Matibag, Sirs, wala pa rin tigil ang ‘hulidap gang’ sa hanay ng mga bugok na lespiak dyan sa 9.
Ang mga pinagkakapitsaan nila todits ay ang mga drug user na kanilang sinusungkit at papasukahin ng malaking money. Ang mga drug pusher sa lugar ay tuwang-tuwa dahil sila ang ‘pointer’ sa mga bugok na lespiak kapag naka-score ang mga drug user sa kanila.
Halos P100,000 ang lagayan blues.
Ika nga, doble ahit. Bumili na hinoldap pa!
Kaya naman ang mga bugok na lespiak sa nueve ay nagpipista at tuwang - tuwa sa galak dahil marami silang puedeng pag-delensiyahan
Isa sa pinagkikitaan ng mga bugok dito ang sangkatutak na pokpok girls na nagbebenta ng pekpek sa mga sabik na kelot.
Grabe rin ang grupo ng pokpok gang todits dahil kasapi sila ng ativan gang.
Totoo ba ito, Supt. Quirante?
Kung ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin siguro dapat ng umaksyon ang higher headquarters dito na sibakin o balasahin ang mga lespiak sa nueve.
Tama ba, General Matibag, Sir?
‘Masibak kaya sila sa nueve?’
‘Malakas daw sila kay Boysie kaya may ipinagmamalaki?’
‘Kamote, ito ang abangan natin.’
Pumalpak ang mga palpak
KAMAKAILAN ay naglabas ng praise release ang Department of Health na kontrolado nila ang pagkalat ng sakit na A(H1N!) virus sa Philippines my Philippines dahil para maiwasan ang nasabing sick dapat lamang daw mag-shampoo este mali sabon pala ng mabuti ang madlang people habang naghuhugas ng hands lalo’t mga student from the school.
Ang siste hindi nakontrol ng ating mga bright people ang mga pumasok na biahero from aboard este mali abroad pala. To cut the story short ang Philippines my Philippines ngayon ang may pinakamataas na percentage na may A(H1N1) virus sa Asia.
Sabi nga, kawawa naman!
Sikat na naman ang Philippines my Philippines abroad dahil mataas ang bilang ng madlang people na may A(H1N1) virus todits.
‘Ano ngayon ang ginagawa ng DOH para masugpo ito?’ tanong ng kuwagong lasing,
‘Praise release ‘ sagot ng kuwagong doctor.
‘Bakit, info drive ba ang ginagawa nila?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Siempre para malaman ng madlang people.’
‘Ang protection sa sakit?’
‘Hindi.’
‘Eh ano?
Ang pagtakbo ni DOH Secretary Duque sa pagka- SENADOR sa 2010?’ Hehehe!
‘May panalo ba?’
‘Iyan kamote ang itanong mo?’
Abangan.
- Latest
- Trending