^

PSN Opinyon

Ingrown Toenail (Kuko sa Hinlalaki)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang ingrown toenail ay ang pagtubo ng malambot na balat sa gilid ng hinlalaki sa paa. Ang resulta nito ay masakit, mapula, namamaga sa palibot ng kuko at kung minsan ay mayroong impeksyon.

Dahil ito sa maling pagtubo o pag-usbong ng kuko kung saan nasugat ang balat ng paa. Pwede ito magmula sa pag-suot ng masikip na sapatos, ang paggupit ng kuko ng sobrang ikli o hindi pantay, at minsan ay dahil nasobrahan ng gupit ng kuko sa pedicure. 

Kung hindi gagamutin ang ingrown, ang balat ng daliri at pati ang buto ay maaaring maimpeksyon.

Maaaring gamutin sa bahay ang ingrown toenail. Heto ang gagawin:

1.Ibabad ang paa sa maligamgam na tubig na may halong asin. Sa bawat isang palangganang tubig maglagay ng 1 kutsaritang asin. Ibabad ang paa ng 15-20 minuto 3 beses kada araw. Ang pagbabad sa tubig ay nakababawas ng pamamaga at nakapagpapaginhawa sa sakit.

2.Maglagay ng cotton o tela sa ilalim ng daliri sa paa. Gumamit ng malinis na bulak o dental floss sa ilalim ng ingrown pagkatapos ibabad sa tubig na may asin. Makatutulong ito para ang kuko ay tumubo sa ibabaw ng gilid ng balat, at hindi pumasok ulit sa balat. Palitan ang bulak o floss araw-araw hanggang sa mawala ang sakit at ang pamumula ay mawala.

3.Pahiran ng antibiotic. Maglagay ng antibiotic ointment sa sugat. Pwede balutan ng bandage.

4.Pumili ng malambot na sapatos o tsinelas. Magsuot muna pansamantala ng sapatos na bukas ang harapan o sandals hanggang sa gumaling ang daliri sa paa.

5.Bantayan ang mga paa. Kung mayroong diabetes, i-check ang mga paa araw-araw dahil ang ingrown at iba pang sugat sa paa, ay maaaring senyales ng diabetes.

Kung ang ingrown ay sobrang sakit o kumakalat ang sugat, ang iyong doktor (surgeon) ay maaaring gumawa ng mga hakbang para guminhawa ang pakiramdam at maiwasan ang komplikasyon.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with