Dadayo sa Australia? Mag-isip muna!
Marami talagang kailangang paghandaan, pag-isipan, at pag-aralan sa pangingi-bang bansa. Hindi naman puwedeng basta ka na lang lilipad palabas ng Pilipinas at papasok sa isang banyagang lupain na hindi mo lubos na kilala kahit magbabakasyon ka lang, may dadalawin, mag-aaral, magtatrabaho o permanenteng maninirahan doon.
Halimbawa na lang ang Australia. Umaabot na sa mahigit 300,000 ang mga kababayan sa Australia. Nag-aral, nakapagtrabaho, nakabuo ng sariling karera, naging Fil-ipino-Australian Ci-
tizen, nagkapamilya o roon na isinilang at lumaki.
Pero merong mga hamon at pakikibaka rin sa ibang bansa.
Hinihikayat ang mga Filipinong nais manirahan sa Australia na maghandang mabuti at unawain ang mga reyalidad ng pamumuhay sa iba yong-dagat.
Isang community social worker sa Australian Filipino Community Services sa Melbourne, Australia na si Jeffy Suana ay nagbigay ng ilang payo sa PhilTimes hinggil dito.
Ipinaalala ni Suana sa mga Pilipinong balak mag-aral o manirahan sa Australia na baka magkaproblema sila sa pera at makaranas ng stress kung kulang ang mga nalalaman nilang tamang impormasyon hinggil sa bansang ito. “Iba rin kung maalam ka,” sabi niya sa Ingles sa PhilTimes.
Bago umalis sa Pilipinas, maging handa sa mga gastusin. Umaabot mula AUD30,000 hanggang AUD50,000 (isa hanggang dalawang milyung piso sa Pilipinas) ang matrikula sa mga kolehiyo at pamantasan sa Australia at meron pang dag-dag na gastusin tulad sa renta sa tirahan, pamasahe sa sasakyan.
Kailangan ding ipakita ng estudyanteng Pinoy ang mga pruweba na kaya niyang suportahan ang kanilang sarili dahil, kahit magkaroon siya ng part-time work doon, baka kulangin pa para sa mga magiging gastusin niya roon.
Mali ang mga akala na kapag naka-enrol ka na sa isang kurso, awtomatikong magiging perment resident o citizen ka na.
Beripikahin muna ang mga paraan kung paano makakapag-aral at makakatira sa Australia. Huwag umasa sa mga payo o impormasyon na hindi pormal at hindi napapatunayan.
Pinayuhan din ni Suana ang mga aplikante na maging maingat sa pakikipag-usap sa mga migration agent kasabay ng pagdidiin na bahagi lang ng isang negosyo ang kanilang serbisyo.
May mga agent na magpiprisinta sa iyo ng kuwento ng mga dayuhang naging matagumpay sa Australia pero hindi ito laging totoo.
Malayo sa mas malawak na reyalidad ng pagtatrabaho o mga problema at hamon na maaaring kaharapin ng mga migrante. Kusang magsaliksik hinggil dito.
Ang pakikisalamuha sa mga tao sa Australia ay iba kumpara ng sa Pilipinas. “Iba ang lipunang Australian. Bihira kang makakita ng mga tao na nag tsitsikahan sa kalsada,” sabi ni Suana.
Makakatulong na makaangkop sa magiging bagong pamumuhay ang pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan sa mga kakilala, kaibigan o kamag-anak na nasa Australia bago pumunta rito.
Ayon sa Commission on Filipino Overseas, nakadepende rin sa iyong paghahanda at mga kaalaman ang kalalabasan ng pangi-
ngibang-bansa mo.
Mas magiging matagumpay ang isang migrante kapag dumating sila rito na meron nang malinaw na pang-u-nawa sa kakaharapin nilang mga oportunidad at hamon.
* * * * * * * * *
Email- [email protected]
- Latest















