Palaro na Lotto ng PCSO binobookies, teller tiklo!
MGA kosa, binobookies ang palaro ng PCSO na Lotto! At ang masama d’yan, walang tumatama dito.
Maliwanag pa sa sikat ng araw na hinuhuthot lang ng kung sino man ang nasa likod ng raket ang pitsa ng mga mananaya. Dipugaaaaa! Mabuti na lang ay kumilos kaagad si PCSO General Manager Melquiades Robles para matuldukan ang panloloko na ito.
Kasama ang puwersa ng NBI Fraud and Financial Crimes Division chief Palmer Mallari, sinalakay ang lotto outlet sa Block 1, Lot 7, Camarin Road, Almar, Caloocan City at inaresto ang teller nito, at nasamsam ang mga ebidensiya ng panloloko.
Nanawagan si Robles sa publiko na ‘wag tangkilikin ang bookies ng Lotto dahil ang apektado dito ay ang programa ng PCSO na pangkalusugan, medikal at kawanggawa. Ito kasing bookies mga kosa ay hindi nagbabayad ng buwis at natural na ipinagkait nito ang tinatamasang tulong ng PCSO sa mahihirap nating kababayan. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ganito kasi ang modus ng bookies ng Lotto, mga kosa. Nagpapataya sila sa 3D at 2D at ang winning combination at kinukuha nila sa lotto draw, ayon sa inarestong teller. Ang tayaan dito ay puede sa booth kung saan cash ang taya, o sa pamamagitan ng GCash kapag sa text tumaya.
Ang siste, may sariling terminal ito, kaya’t hindi dumaraan sa terminal ng lotto ang lahat ng taya dito. Kada araw, lumabas sa celfone ng teller, na nagremita s’ya, sa pamamagitan ng GCash, ng halagang P5,000 sa kung sino man ang nakapag-isip nitong raket. Sal-it! Hehehe! Kanya-kanyang raket lang talaga!
Nag-test buy muna ang PCSO sa lotto outlet, at ng makumpirma, binalikan nila ito kasama na ang NBI agents. Purbidang yawaahhhhh!
Nakumpiska ang tinatayang P5,000 pusta, isang pekeng tiket, at cellphone na konektado sa point-of-sale o POS. Binitbit din ng mga operatiba ang buong lotto terminal hardware kabilang ang A10 PC monitor, central display unit (CDU), optical scanner, handheld barcode scanner, printer, at modem. Araguyyyyy!
Kabilang pa sa mga nasamsam ang 25 rolyo ng thermal receipt paper, pitong kahon ng ticket rolls para sa mga draw ng 3D Lotto, Grand Lotto 6/55, Super Lotto 6/49, at 6D Lotto, dalawang agent’s settlement form, at abstract ng mga bayad at kinanselang tiket.
Mariin namang nagbabala Robles sa mga lisensyadong agent na ginagamit ang ahensya sa iligal na operasyon, dahil ayon sa teller, laganap na ang modus na ito.
Mga kosa, tumaya lamang sa opisyal ng terminal ng lotto, para hindi kayo mabiktima ng raket na ito, na wala kayong kapana-panalo. ‘Yan ay habang kumikilos ang NBI para tuldukan na ang bookies ng lotto. Abangan!
- Latest















