^

PSN Opinyon

Labanan ang problema, kaya mo 'yan!

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

Doc Willie, tanong ko lang po kung ano ang mapapayo n’yo sa isang depressed na tao. Sobra po akong mag-isip at minsan po ay hindi ako makatulog sa gabi. Paki­ramdam ko po pagod na ang puso at isip ko. Sana po matulungan n’yo ako. God bless. Linda

Hi Linda, maraming tao ang malungkot o depressed. Sa katunayan, mga 10% ng Pilipino ay nagkaroon ng depression. Alam kong parang mahirap labanan ang lungkot, pero kailangan malampasan mo iyan. Kaya mo iyan basta pursigido ka. Heto ang mga dapat mong gawin:

1. Magkaroon ng suporta sa pamilya at kaibigan. Maraming depressed na tao ang nakipag-away sa ka­nilang mga kamag-anak. Parang wala na silang kaibigan. Kailangang maibalik mo ito kahit papaano. Magpakum­baba. Humingi ng tawad. Kausapin ang kaibigan at kung puwede ay makitira sa malapit na kamag-anak.

2. Magbasa, manood at makinig ng masasayang palabas. Huwag manood ng drama, iyakan at horror sa TV o pelikula. Baka lalo ka lang malulungkot. Iwasan din ang panood ng balita sa gabi, dahil puro dugo at pa­tayan lang iyan. Masama iyan sa isipan. Manood lang ng comedy, cartoon at entertainment. May tulong iyan sa depression.

3. Maging abala sa gawain. Magtrabaho at punuin ang oras sa maghapon. Huwag magtambay sa bahay dahil kung anu-ano lang ang papasok sa isipan. Huwag ka­awaan ang sarili. Sabihin sa sarili, “Kaya ko iyan. Mag­sa­­saya ako!”

4. Mag-exercise at ku­main ng tama. Kahit tina­ta­mad ka ay subukan mong gu­malaw-galaw. Mag-biking, jogging o maglakad sa mall. Ku­main ng mga ma­sustan­syang prutas at gulay. Pu­wede kang umi­nom ng Vitamin B complex na pampa­gana kumain at pampasarap ng tulog.

5. Umiwas sa siga­rilyo, alak at iba pang bisyo. Wa­lang kabutihang maidu­dulot ito. Lalo lang titindi ang iyong depression.

6. Tumulong sa iba. Bu­misita sa maysakit. Na­ka­sa­saya ng ating damda­min ang pagtulong sa ibang tao. Tu­mulong sa mga ma­hirap, maysakit, nakaku­long at ma­ta­tanda. Ito ang sikreto ng kasaya­han. Piliting tu­mulong sa iba, at unti-unting mata­tanggal ang depression mo.

7. Magdasal sa Diyos. Ano ba ang problema? Ano ba ang kailangan mong ayu­sin sa iyong ugali? Ka­dala­san ay tayo rin ang dapat mag­bago. Aminin natin ito at humingi ng tulong sa Diyos. Ipasa natin ang ating prob­lema at hina­nakit sa kanya. Kaya Niyang ayusin ang ating buhay at tanggalin ang lungkot.

8. Hindi ko agad pina­payo ang pag-inom ng anti-depressant dahil may side effect ito. Kapag malala talaga ang depression, puwe­deng magpa­tingin sa psychiatrist. Pero nanini­wala akong kaya mong labanan iyan, ka­ibigan. Good luck!

ANO

DIYOS

DOC WILLIE

HI LINDA

HUWAG

IYAN

KAYA

KAYA NIYANG

LANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with