^

PSN Opinyon

La Viuda (66)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang huling sulyap ang ibinigay ni Ernesto sa kanyang ina na gumagapang pa rin patungo sa nasusunog na hagdanan habang tinatawag ang pangalan ni Emilio, bago tuluyang nilamon nang makapal na usok at apoy ang kinaroroonan ng matanda.

“Dito! Dito sa likod!”

Mula sa makapal na usok sa pasilyo ng kusina, sumul­pot si Hulyana na may basang tela sa ilong. Itinuro niya ang bukas na lagusan patungo sa likurang bahagi ng mansiyon.

Nagtulungan sina Andres at Ernesto na alalayan ang nanghihinang sina Kristina at Aling Pacing habang umu­ubo at halos gumapang na sila sa ilalim ng makapal na usok. Sa bawat hakbang nila palabas sa likurang pinto, maririnig ang sunud-sunod na pagbagsak ng mga nasusunog na kahoy at salamin sa loob ng bulwagan.

Nang tuluyan silang makatapak sa ma­lamig at basang damuhan sa labas ng mansiyon, sabay-sabay silang napalu­hod upang habulin ang kanilang hininga.

Sa kanilang likuran, isang napakalakas na dagundong ang yumanig sa lupa nang tuluyang gumuho ang bubong ng mansiyon ng mga Valderrama, lalong lumaki ang mataas na haligi ng apoy at itim na usok patungo sa langit na unti-unti nang nagliliwanag sa unang sikat ng araw.

Umuubo pa rin sina Andres at Ernesto habang naka­luhod sa basang damuhan, pinagmamasdan ang nag­la­lagablab na guho ng mansiyon. Marahan namang hinahaplos ni Kristina ang kanyang tiyan habang nakayakap kay Aling Pacing, ligtas na sa wakas.

Tumayo si Ernesto, pinahid ang uling at luha sa kanyang mukha, at hinarap si Andres.

“Tapos na, Andres. Malaya na kayo,” mahina ngunit pana­tag niyang sabi habang nakatingin nang huling beses kay Kristina.

Sa malayo, maririnig na ang papalapit na sirena ng mga bum­bero at pulis. Sa unang pag­ka­­ka­taon sa loob ng mahabang pa­nahon, maluwag na nakahi­nga si Andres sa ilalim ng bagong umaga.

(Itutuloy)

LA VIUDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with